i decided to go late with my rehearsals today.
because:
i want to allot this ample time for my self, for my school works, and updating my blog.
at ngayon, after reading my photocopy for my paper, made a semi-detailed lesson plan for my LTS course, and checked other things, i had time to write a blog.
haay, i really want to rant about things, and i guess, ill do it right now
~:: final examinations is fast approaching. medyo kinakabahan na nga ako eh. feeling ko, eto pa yung period na mabababoy ko, in spite of the hardwork i have done during the prelims period. first time ko tong gawin for the college. nagpupuyat ako, irregular na yung sleeping time ko, minsan hindi na rin ako natutulog, pero eto ako ngayon, buhay pa at nakakapag-isip na naman ako ng matino. ngayon, nafifeel ko na yung pinaghihirapan ko, at sana, this final period, magbunga rin.
~:: i have a new phone! yeah, advanced birthday gift ng mga magulang ko. nagulat rin ako, akala ko kasi wala ulit akong regalo. well, bumabaliktad rin naman ang mundo. maganda yung phone. may camera, radio, mp3 player. lahat ng gustong kong features, nandun. sana lang talaga, hindi ko siya mawala, dahil sobrang gastos ang nilaan dun.
~:: as of now, pinag-iisipan ko pa rin kung lilipat ako ng UP o hindi. hindi pa kasi ako kung maayos ang grades ko for the whole school year. and again, kinakabahan rin ako. at ngayon, sasabihin ko na ang final decision ko: LILIPAT AKO. kahit ano mangyari, lilipat ako, kakayanin ko lahat ng mga pagsubok. alam kong, marami akong maiiwan na tao, na napamahal at naging close sa puso ko, pero, mas pipiliin ko pa rin siguro ang kagustuhan ng puso't utak ko. at ang gusto ko ay makatung-tong sa sahig ng unibersidad ng pilipinas.
~:: napansin ni mommy ang pagkahilig ko sa pagbablog at photography. naisipan niya, na isali ako sa isang 'documentary' contest. ang nasabi ko lang, "wow! bakit niyo naman naisipang isali ako diyan? hindi naman ako ganun kagaling.." pero, napaisip rin ako, experience lang rin naman yun. pero, ayoko pa rin, wala akong binatbat sa mga sasali. dahil, pinakauna, hindi ako marunong mag-document. at mula sa pag-iisip kong iyon, hindi na ako sasali sa contest na iyon.
~:: dahil nabanggit ko ang birthday, talakayin na rin natin. ilang linggo na lang, huling taon ko na sa pagiging bata. yes, matanda na ako, isa na akong adult, nakakalungkot mang isipin, ambilis talaga ng oras. hindi rin ako naeexcite ngayon. kasi feeling ko, wala ring espesyal na mangyayari sa araw na yun. ewan ko ba, im not expecting surprises and gifts, babati, oo. sunday naman yun eh, magsisimba na lang ako, at magdadasal sa panginoon na sana ay buhayin pa niya ako ng ilang taon.
~:: i have been trying to create blogposts from my favorite philosophical terms. ilan sa mga nagawa ko na ay 'ipsum esse subsistens', 'gnothi seauton', at 'tat tvam assi'. and yea, kahit papaano naman ay naging maayos ang pagkasulat ko sa kanila. ngayon, pinipilit ko pa ang sarili kong mag-sulat ng iba, ngunit hindi ko mailabas ang mga sipi sa aking isipin. dahil dyan, humahanap na lang ako ng tiyempo kung kailan sasabog ang creativity ko.
yan na muna ang ilalabas ko sa mga oras na ito.
medyo kailangan ko na ring umalis.
sa susunod!
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)
1 comment:
Gian, right now masaya ako hindi dahil sa nakapag-decision ka na rin finally na makalipat ng UP, or sa possibility na after a decade (haha) may makakasama na din ako pag minsan sa pagtahak sa lupain ng Pilipinas - pero yun ay kung magtutuloy-tuloy na din yang plan mo, which i also hope na matuloy na nga - but natutuwa ako sa reason na itong decision mong to is not out of pressure from things or people, but nakapag-decide ka dahil gusto mo yun at gusto din ng parehong utak at ng sarili mo... puso at utak nga di ba sabi mo...
it's good dahil, parehong nag-wowork yung dalawang bahagi ng sarili mo... matuwa ka kaibigan!
sana nga magtuloy-tuloy na yan! at kung dumating man yung puntong yun, wag sanang magpapaapekto sa sasabihin ng iba sa plans mo... just go for it... sa bandang huli, hindi ang sasabihin ng iba ang importante, ang mahalaga sinunod mo ang isang bagay na hindi lamang gusto mo kung di yung bagay na alam mong mas makakabuti para sa yo...
go for the gold as always gian! nandito lang yung iba para itulak ka sa bangin, ah este para suportahan ka palagi....! peace!
goodluck as for now....;)
Post a Comment