marami ng nakapagsabi sakin, 'gian, napaka-opinionated mo', 'gian, lahat na lang inaanalyze mo.'
and yeah, inaamin ko sa sarili ko, lahat ng bagay ay pinapakealaman ko. ewan ko ba, its been habit for me. at natutuwa naman ako minsan, kasi napagiisipan ko ang mga bagay-bagay kung bakit sila ganun, kung ano ang mga nagagawa nila sa mga kapwa nila bagay. at kahit sa tao.
at this week, merong isang bagay na pinag-isipan ng sobra-sobra.
naiinis ako sa professors ko sa english at filipino. hindi naman dahilan ang pagkakaiba nila sa conception nila tungkol sa wika. kundi, at pamamaraan ng pagtuturo nila. hindi nakakatuwa. hindi ako natutuwa. ang aming propesor sa ingles ay nagtuturo ng 'expository writing, na sa tingin ko ay kasanayan sa paggawa ng komposisyon. pero, ang tinuturo niya samin ay puro grammar, communicative competence. na sa tingin ko, at ng iba ko pang kaklase, ay wala namang relasyon sa pagsusulat. minsan ay pabigla-bigla pa siyang nagbibigay ng mga pagsusulit, na hindi naman nakakatuwa, at walang kwenta. ang filipino professor naman namin, ay masaya mag-turo, ang kinaiinis ko lang, puro lang sa libro basehan niya sa kanyang mga ideya. oo, magaling siya mag-turo, pero kung puro libro na lang, edi hindi na lang ako makikinig, nasa libro naman lahat, babasahin ko na lang, diba? ewan ko, wala naman na akong magagawa, malapit na matapos ang first sem, sana magagaling na propesor na ang mapunta samin.
nung naisip ko yan, nasabi ko sa sarili ko, "mukhang tumataas yung level ng pagtingin ko sa edukasyon ah." at mukhang totoo nga iyon. at siguro, tumatataas na ang lebel ko sa pag-iisip sa mga bagay.
i find it amazing, kasi naiisip ko yang mga siping iyan. nakakatuwa, kasi kahit papaano, eh may opinyon ako sa paligid ko. nakakaaliw, kasi ibig sabihin nun, aware ako, at iniisip ko kung tama o mali ito.
isa lang ang mensahe ng entry kong ito..
higher level of thinking means higher level of seeing things, and a higher level of seeing things, means higher level of awareness. the problem is "sino pa ba ang aware sa sitwasyon natin ngayon?"
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)
No comments:
Post a Comment