yes, "i am an artist."
nakakakaaliw isipin, dahil mula sa mga talento ko, sa paggamit ko sa mga ito, sa paglinang at sa pagpapahayag ng sarili, nagiging alagad na ako ng sining.
at ito ang mga naiisip kong dahilan:
una, isa akong mag-aaral ng sining at panitik. ibig sabihin, alam ko kung ano ang mga ito. bilang isang mag-aaral, natuturuan kaming mag-isip ng mga ideya at mga konsepto na higit pa sa mga nakikita sa ating mundo. hinahayaan kaming ipadama sa ibang tao ang totoong liwanag mula sa aming mga puso, at higit sa lahat, ipakita sa ibang tao ang ligaya na napapadama ng sining at panitik sa ating buhay.
pangalawa, marunong akong kumanta, at dahil nililinang ko ito, at ginagamit ko rin bilang isang midyum ng aking pagpapahayag, nagiging alagad ako ng sining. kahit hindi ako sikat, o kahit national artist, at least, i am a singer, and of course, an artist.
panagatlo, dahil marunong akong gumawa ng blog, i can be an artist, because i can express my feelings and ideas through typing, or sometimes, through writing my opinions and my ideas. tulad ng ginagawa ko ngayon. pwede akong maging manunulat, kahit hindi ako ganun kagaling.
i am an artist on my own little ways, and with that little ways, i would be able to make a colorful world, a world full of ideas.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)
No comments:
Post a Comment