Saturday, September 27, 2008

guerdzsituationen.

"ultimate ground of the situation"

lagi tong nangyayari sakin.

kailangan kong malaman ang tama o mali sa isang sitwasyon. mula sa tama at mali na iyon, kailangan ko rin malaman kung ano ang dapat kong gawin dun. minsan, dun ako palaging nagkakamali.

hindi kasi ako marunong magdesisyon sa mga bagay-bagay. impulsive ako. pag ayaw kong gawin ang isang bagay, hindi ko iyon gagawin. kung minsan naman, kung gusto ko, gagawin ko. madali rin akong magsawa. sa panahong ito, ambilis kong mawalan ng gana, napaka-ramdom ko sa mga bagay-bagay. dahil dun, naapektuhan ko ang sitwasyong nagaganap.

this started when i got paranoid with everything around me. my studies, my friends, my family, and others. lagi ko kasing iniisip na lagi akong may ginagawang mali. na minsa'y totoo rin. minsan naman, minamaliit ko sarili ko, kaya naapektuhan ko pati yung sitwasyon na ginaganapan ko.

lagi akong naiinis, naiirita, nagagalit. minsan naman, bigla na lang akong nag-eemo, malulungkot, mababagot. andami na ngang nawi-weirduhan sakin. weird na nga talaga ako.

andaming naapektuhan sa mga ginagawa ko. nakakalimutan ko ng isipin ang dapat gawin sa mga nakakasalubong kong sitwasyon. hindi ako nagiging kalmado, bigla-bigla na lang akong nag-rereact, na sa tingin ko'y, hindi tama. hindi talaga.

hindi ko na siguro matatanggal to sa sarili ko, eto na kasi ang ginagawa ko simula bata pa ako. nasanay ako? mukhang ganun na nga ang nangyari.

iniisip ko palagi kung paano ko matatanggal yung problema kong iyon. iniisip ko palagi kung kailan babaliktad ang mundo.

eto na siguro ang pinakamalaking problema sa sarili ko. ang kawalan ng tiwala sa sarili.

nakakainis mang isipin, pero totoo talaga.

kailan ko kaya malalalaman na tama na ako? kung ang lahat ng tao ay sinasabing mali ako??

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

1 comment:

Anonymous said...

"kailan ko kaya malalalaman na tama na ako? kung ang lahat ng tao ay sinasabing mali ako??"

~am I part of those people? even if you say not, I am guilty. I may be BULLY for you, but I do appreciate you as my ate...you're the best companion ever! :)

~ wah! nosebleed