Friday, August 29, 2008

deprivation.

deprivation.

yan ang lagi kong ginagawa sa tuwing nagpupuyat ako. nagpupuyat dahil sa mga reaction at critique papers, written reports, researches, assigned readings and others. i deprive myself from sleeping kasi gusto kong matuto. dahil gusto kong malaman ang tama. at dahil gusto kong matuto at gusto kong malaman, kailangan rin ba ng kapalit?

deprivation.

yan ang lagi kong naiisip sa tuwing nakakakita ako ng mga nanlilimos sa kalsada. parang dineprive silang maging tao. kinakatakutan ng halos lahat, at kahit na ganun, may nakikisalamuha pa rin sa kanila. kahit ako, isa sa mga taong umiiwas sa mga taong tulad nila. pero, minsan, tinatamaan ako ng konsiyensya ko, napapaiisip ako ng malalim.

deprivation.

yan ang nalaman ko sa exposure trip namin sa subic. ang ating kalikasan ay may buhay rin. at kung mayroon mang pagkakataon na masisira natin ang kalikasan, para narin natin silang dineprive na gawin ang kanilang purpose dito sa ating mundo. kabilang sila sa ating pammuhay, kung kaya't may karapatan din silang maging parte ng mundo sa pamamagitan ng kalikasan.

deprivation.

yan ang lagi kong naiisip sa tuwing naiisip ko ang gender preference. oo. deprived kami, hindi lang sa pagmamahal, pati na rin sa respeto, na gusto ring matanto ng bawat tao, na madalas lang namin makuha. tingin ng ibang tao samin ay mga malalanding nilalalang na nagpapanggap maging tunay na babae. sa tuwing naririnig ko iyon, parang dineprive nakong magkaroon ng mukha. kahit na ganito ako, may pinag-aralan ako, at alam kong hindi ako nag-iisa. may karapatan din akong maging tao, at gusto rin namin ng respeto tulad ng ibang tao, dahil tao rin kami, may puso't damdamin, may isip kami, at alam namin gamitin ito.

deprivation.

lahat ng bagay nadedeprive, dahil sa kailangan ng kapalit, o kaya naman ng sakripisyo, o kaya nama'y dahil sa maling gawain natin.

deprivation.

kailan kaya hindi madedeprive ang lahat ng bagay?

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

1 comment:

Seeker Cyrus said...

eto.... eto.... eto.... eto... eto... ang pamatay mong post...

hindi ko alam kung ano ang i-cocoment ko, pero eto yung pakiramadam kong post na sa tingin ko tatak sa isipan ko... pamatay langgam itong isinulat mo.... hahaha, joke lang! pero salamat dahil patuloy kang nagbubukas ng iyong sarili para sa mga mambabasang tulad ko...

falakfakan!