Friday, August 22, 2008

Si Bob Ong.

si Bob Ong, isa sa aking iniidolo pagdating sa pagsusulat.

at malamang, nabasa ko na rin ang mga libro niya, tulad ng "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Paboritong Libro ni Hudas, Stainless Longganisa, at ang pinakabagong "Macarthur."

natutuwa ako sa kanyang mga libro dahil sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat, napapalabas niya ang natural na setting ng kanyang kwento. sa pamamagitan ng ating imahinasyon, nagagawa nating totoo sa ating isipan ang kanyang malikhaing gawa.

base din sa totoong karanasan ang kanyang mga kwento, kaya masasabi ko, kahit ito ay nakakatawa, talagang nakakapagpatama ito at nakakapagbukas ng ating mga mata sa totoong kinagigisnan natin ngayon.

sobrang nagagalingan ako sa kanya.

minsan, sinubukan kong gayahin kung pano siya magsulat. ginawa ko lang natural, parang ako yung mismong nagsasalita. natural lamang ang pagkakakwento.

hindi ko akalaing, matutuwa ang pinabasa ko ng kwentong iyon.

pero, mula noon, hindi ko na ulit sinubukan pang gawin yun.

iba naman ginawa ko, sumobok akong gumawa ng sarili kong istilo sa pagsusulat.

sa tingin ko, tulad ni Bob Ong, meron din siyang sariling istilo, at katulad ng ginagawa ko, hinanap niya rin kung saang istilo siya magiging komportable.

at nahanap niya yun, dahil patuloy siyang nagsulat, hanggang ngayon.

dahil kay Bob Ong, nasubukan kong magsulat, lumikha ng mga kwento.

kaya ngayon, eto ako ngayon, pinupuno ang aking buhay ng mga kwento, mula sa aking ideya't konsepto, at mga karanasan

unti-unti kong pupunuin ang aking papel ng mga salita, tulad ng ginawa ni Bob Ong. payayamanin ko at payayabungin ko ang aking kwento.

"as a chronicler, i will write along the path i walk on, fill it with wonderful words, and with brilliant ideas that has never been created."

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

No comments: