Wednesday, May 21, 2008

things to ponder (longest post ever)

i really do not want to have a taglish post to present the consistency of this post..

ngunit, subalit, datapwat

kailangan kong mag-taglish, dahil dun ako mas komportable..

at mas maeexplain ko ang point ko.

okay. wala kasi akong maisip gawin. walang maisip na i-express..

and soo, i decided to express what should i really think about. :D

and i guess, express what should really be expressed :D

first of all, i really want to have a job, right now. oo, as in, sa mga oras na ito. isa sa mga rason, kailangan ko ng pera. perang pang-gastos sa lahat ng kailangan ko, at sa iba pang bagay. bankrupt na kasi kami dito sa bahay, at palagi niyang sinasabi samin na, "mag-titpid kayo, super tipid na nga ako eh, ipapaayos pa natin yung sasakyan, yung mga tuition fee niyo pa, kaya kung pwede, please, cooperate." okay, if i would have a job, i would be able to help my parents save money. lalo pa't, di na nila kailangan mag-bigay ng pera sakin. another reason, why i wanted to have a job is for experience. okay, mababaw na reason, kasi gusto kong makasalamuha ng tao, gusto kong matuto pano mag-manage ng sarli kong pera, and most of all, it would represent how strong i am as an independent. having a job would open more opportunities, give more challenges, and earn more money for the future.

and i have a job. haha. a masseur, a man who practices massage as a occupation. :)
yea, it's kinda hard to be a masseur, but anyway, i'll try my best. :D

secondly, i am not really sure if i would be succesful with my current course right now. yes, asian studies, my second-choice course. unang-una, hindi ko rin talaga alam kung bakit ako nag-asian studies. pangalawa, hindi ko alam na magiging mas madugo pa ito kaysa sa inaasahan ko. pero ano bang magagawa ko, wala namang madaling kurso sa kolehiyo, kung kaya't tinanggap ko ng buong puso ang course na ito. ang problema ko, pano naman kaya ang future ko? all possible things that i would think, after finishing this course, is to be diplomat, a researcher, a development studies specialist, and hell yea, those jobs should really hire very professional inidividuals to fit into that job. and then, i think about myself, then, inisip ko, baka maging professor na lang ako. ayoko mag-turo, seriously.

third, i always think about myself, and yes kahit di ko na sabihin, i am really paranoid, and a bit pessimistic about myself. parang hindi ako sanay na gumawa ng mali, na dapat okay lang sakin, kasi normal lang iyon sa bawat indibiduwal na nabubuhay dito sa mundo. siguro i always think big, then, biglang nagsisisi na ako. una, sa pag-aaral, my mother really expected to much from me, since high school. "gusto ko, lagi kang top 1, laging ikaw ang may pinakamataas na grades, gusto ikaw ang best." kahit siguro sabihin na nila na para sa akin naman yun, at kahit masakit mang sabihin sa part ko, nag-aaral ako para lang sa kagustuhan ng mga magulang ko. hindi ako nag-aaral para sa sarili ko..ayoko naman talaga maging top 1, okay na sakin maging sabit sa honor roll, i exerted effort to do my best, at nagbunga naman yun. panagalawa, dito sa bahay. sige, aaminin ko, hindi na ako masyadong nakakatulong dito sa bahay, pero, if they need my help, i'll lend a helping hand. lalo pa ngayon na kaming dalawa lang ni mommy magkasama dito everyday, kasi may trabaho na yung panganay, tapos may pasok pa yung dalawa kong kapatid, at si daddy. ngayon, lagi kaming nagtutulungan ni mommy, i always do my best to help her, pero, xiempre, napapagalitan pa rin ako. kaso lang, minsan kasi, she's already hitting below the belt. nagkaroon ng time na nasasabihan niya ako ng bobo, ng gago, namumura niya ako. tinatanggap ko yun. masakit nga lang sa part ko. minsan, nasisisi pa ako sa mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa. sometimes, i thought of running from home, pero ayoko. kasi sila lang ang pamilya ko.

fourth, nabanggit ko na ang pamilya ko, edi pumunta na rin tayo sa mga kapatid ko. oh my dear brothers. pare-pareho sila. never nilang nalaman ko ano ang feelings ko sa kanila. galit ako sa kanila. naiinis ako sa tuwing nandyan sila. kasi, they had disrespected me. fine. may mga mali rin ako, pero, may mga mali rin naman kayo diba. hindi ko alam. never ko silang naging ka-close, never ko silang nakabonding. haay. hindi ko talaga alam kung kailan ko sila makakabonding, kung kailan man yun, hiwa-hiwalay na siguro kami nun. and yea, i hope they'd accept the true me.

fifth, my beloved HFYC. ang mga tinatangi kong kaibigan. you know what, kahit na may kinamumuhian ako sa inyo, kahit alam kong bini-BS niyo ako, or hindi man, mahal na mahal ko kayo. nung mga unang taon na nagsisimula pa tayo, nung mga times na hindi pa ako nag-oopen, iniisip ko na mag-quit na lng. kasi hindi ko naman kau ka-close nun, hindi niyo ako kinakausap, hindi niyo rin ako nararamdaman nun. pero, nung nag-open ako, naging ka-close ko kayo. naging sobrang open ako sa lahat, kahit na alam kong magiging kadiri na yung tingin niyo sakin, pero hindi. kung di ko siguro hilig kumanta, matagal na akong nag-quit. kung wala sigurong umiintindi sakin, matagal na akong umalis ng choir. andami kong utang sa inyo, the literal and the figurative one. i really want to do something that would make you happy, gusto kong ipadama sa inyo na hindi ako nagsisisi na kayo ang kaibigan..pero wala akong maisip. i guess i'll just do my part as a choir member.

sixth, para kay ate mafae, ate mai and andrei. sobrang sorry kung nafeel niyong iniwan ko kayo. sobrang sorry kung i made you felt that i have left you flying alone in the air. hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. siguro, i've turned myself into a careless bitch. babawi ako sa lahat ng namiss ko. i'll do my best to keep you always in company. salamat na rin sa lahat ng advices and tulog na nagawa niyo sakin. super salamat, and sorry.

seventh, para naman kay cyrus, iris, and maia. my dear blockmates. thank you for accompanying me this summer. sobrang natutuwa ako sainyo kasi kahit papaano, kinakausap niyo ako ng matino. gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng tulong. super salamat. see you sa enrollment.

haay, marami pa akong gustong i-express. pero, medyo naguguluhan na yung utak ko, at naghahahalo na ang lahat ng bagay sa ulo ko.

mahaba-haba na rin ito, and soo, sana may magkaroon ng gana magbasa nito. haha!

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

~TAPOS~

1 comment:

Anonymous said...

"seventh, para naman kay cyrus, iris, and maia. my dear blockmates. thank you for accompanying me this summer. sobrang natutuwa ako sainyo kasi kahit papaano, kinakausap niyo ako ng matino. gusto ko rin magpasalamat sa lahat ng tulong. super salamat. see you sa enrollment."

--- you are very welcomed :), hindi mo ba naisip na kaya kami nandito e, dahil andyan ka rin palagi para sa amin? IKAW, kahit na wala akong load at di nakakpagreply sa'yo, andyan ka pa rin, walang sawang nagtetext sa akin ng "hey maialog" at sa bawat araw na sinesend mo sa akin yun at di kita mareplyana, naguguilty ako, kase hindi ko man lang mapadama sa'yo kung pano ko na-aapreciate yun, pero alam ko namang naiintindihan mo :), gusto ko rin ng pera sa mga oras na ito, hindi ganun kadali magkaron nun...hay! summer job nga lang super hirap maghanap, ano pa yung realidad na hindi talaga sapat ang trabaho para sa ating lahat! :(

thanks sa lahat a, sa pagalala mo sa mga araw na may unli ka at wala, sa mga oras na naghahanap tayo ng magandang topic na pag-usapan para sa texting moments :), sa lahat--sobra! hindi ko inaasahan na magiging close tayo ng ganito---pero nangyari na ang nangyari at masaya ako na makilala ka kung sino ka talaga, walang pag-aalinlangang natatangi ka :)

i miss you :)

P.S. Library tayo ulit sa june! :))