Sunday, May 4, 2008

kukupas din ang lahat, pati ikaw.

nagkaroon ako ng pagkakataong makalabas ng bahay kahit na umuulan noon. salamat kay ate nikka, at nagpasama siya sa akin. ipapabigay niya kasi sa kanyang kasintahan ang isang CD. sa CD na ito nakalagay ang aming mga litrato mula sa aming summer outing.


nasa canada na kasi si kuya rainier, kung kaya't, kailangan na naming ibigay ang CD sa kanyang tita na papunta na ring canada.


nagpunta na kami, at unang nagpunta sa bahay ng lolo't lola ni kuya rainier.


sa laki ng bahay na iyon, dalawa na lamang silang nakatira doon.


walang katulong, walang kasama.


silang dalawa na lamang, wala ng iba pa.


napakaingay ng katahimikan.


nagkaroon din kami ng pagkakataong makausap sila. napagusapan namin ang mga OFW's sa canada, mga balita, at kung anu-ano pang pwedeng pag usapan sa ilalim ng araw.


ngunit, sa lahat ng napagusapan namin, isa lang ang napagtuunan ko ng pansin.


"ang pagiging matanda, at paglisan ng kanilang mga anak.."


naramdaman ko ang lungkot sa kanilang pananalita..


naramdaman kong gusto na nilang umiyak ng mga panahong iyon..


ngunit kailangan nilang maging matino, at pinigilan nila ito.


mahirap mawalan ng minamahal, mahirap isipin na iiwan ka ng pinakamamahal mo. yun ang naisip ko nung mga panahong iyon.


"nakakamiss sila, nakakamiss sila.."


masakit mang isipin, kukupas din ang lahat, lilipas, lilisan...


pati ikaw, kasama ang lahat ng bagay sa mundong ito.


at sa mga oras din na iyon, may naalala ako..


at bagay ito sa sinasabi ko ngayon..





nangangagat ang katotohanan, namamatok ang karimlan.


hanggang sa muli, masugid na mambabasa.

No comments: