dati. lagi akong napapaisip, kung ano nga ba talaga ang x-ray. yun pala, pwede nitong makita ang mga bagay sa loob ng iyong katawan sa pamamagitan ng radioactive... thing. hahaha. basta ganun. tas makikita mo yung mga buto-buto mo. at maaliw tayo. magugulat sa mga nakikita natin.
paano. kung. may x-ray din, na magpapakita ng "inner self" natin? yung mga katangian natin na hindi natin naipapakita, mga bagay na hindi natin nagagawa, mga bagay na hindi natin alam na meron tayo. mga bagay na ayaw natin na meron tayo. parang ang galing nun diba? hindi lang natin maiisip. pwede nating makita sa pamamagitan ng isang x-ray.
i have been reading books and it displayed different representations of your inner self. sa isang libro ni Paolo Coelho, sinabi dun ang "inner child" natin. yun bang, yung mga pangarap natin, mga gusto nating gawin nung bata tayo. masarap isipin, masarap balikan. pag naaalala mo yung mga alaala ng iyong pagkabata, ayon sa storya ng libro, eh hindi ka mawawala sa dapat mong patutunguhan. dahil siguro, yun ang totoo nating gusto noon, at sa simula palang, yun na ang pangarap mo. Ang isa namang interprestasyon ng storya sa inner self eh ang "the other" eto yung ikaw na iniisip mo ngayon, pero eto yung nagtatago ng totoong katauhan mo. eto ba yung mga hindi naman sa masama, pero yung mga bagay na ginusto mo lang dahil kailangan, hindi dahil sa gusto mo, at kaya, ayon din sa libro, pag nagawa mong matanggal ang "other" sa katauhan mo, ay maipapakita mo na ang totoong mong gusto, at kung ano-ano pa.
ang tanong. paano nga natin malalaman? kung meron mang ganyan na nitatawag? o wala? kung meron lang sanang pahiwatig na meron ngang inner self. hindi lang siguro x-ray ang sagot. at. sa ngayon, tayo lang din ang nakakaalam. ikaw. at ako.
nasusunod mo pa ba ang inner child mo? nandyan pa ang "other" sa'yong kalooban?
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
No comments:
Post a Comment