creations. crafts. creating. create.
since i was born. i did not know how to create. or do something about crafts. wala ata akong nagawang matinong project sa home economics, sa EPP sa THE, at kahit sa simpleng Art class lang, wala talaga akong magawang matino. sa lahat nga ng grades na ineexpect ko, art parati ang pinakamababa. wala talaga akong ka-art art. maliban dito sa pagsusulat, at. sa papipicture. at sa pagkanta. ayun. pero yung kailangan ng matindihang effort at kung ano-ano. di ko keri yan.
doon lang naman. pero kung maituturing mo ngang art din ang pagkanta, ang paggawa ng blog, at uh. photography, since paglikha rin naman 'siguro' yun. hahahaha. pero. hirap na hirap talaga ako. hindi ko nga alam bat ako napunta sa 'arts and letters' eh!
kung meron siguro akong gustong matutunan, eh matutong mag-drawing. matutong magtahi, gumawa ng kung ano-ano. ang tangi lang na alam kong art piece eh COLLAGE. yun lang. dahil nga rin sa hilig ko sa larawan.
pero. ayun. sa awa ng mga teacher ko sakin. HA. pumasa ako. saktong 75. taray.
pero. sa totoo lang. gusto kong matuto ng mga ganun. para lang sa kasiyahan ko. lol.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
No comments:
Post a Comment