Thursday, March 10, 2011

lens: on viewing things.

sometimes, things are differently seen with the naked eye, and in the lenses.

minsan, naiisip ko, sa tuwing kumukuha ako ng mga litrato sa camera ko, naiisip ko na may mga bagay na kahit pangit talaga tingnan, eh maganda naman sa paningin ng iba, lalo na pag nakuha sa isang litrato.

may mga bagay rin magandang makita ng malapitan, at yung iba naman ay magandang makita ng malayuan. yung iba maganda ang itsura pag medyo malabo, at yung iba maganda pag malinaw ang kuha.

minsan naiisip ko, lahat ng bagay ay may pagtingin ang tao, pangit man sa'yo, eh kung ginusto naman niya yun, wala naman tayong magagawa eh. at minsan, kahit alam mo namang nagawa mo na lahat, pero sa tingin ng iba ay kulang pa, wala rin tayong magagawa dun. kailangan mo nalang ipakita pa maganda nga yun.

siguro nga, mas okay nga na ipinapakita mo nalang. mas maganda yun, nakikita mo. para alam mo kung bakit naging ganun.

siguro ganun din sa pagkuha ng litrato, kinukuhanan mo yung mga bagay na nagpapaalala sa'yo, yung mga bagay na nagpapakita sa'yo ng buhay. at dapat, di lang natin yung nakikita sa likod ng lente. dapat nakikita ng sariling mga mata natin.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

No comments: