Thursday, March 10, 2011

ash: on looking back

this is a lent special post. inspired by the homily from the ash wednesday mass i attended sa school.

this is the first thing the priest said in his homily. the symbolism of the ash. sabi nga niya hindi man yung exact words.."from dust to dust.." pinapaalala ng ash sa ating mga noo kung saan tayo galing, kung saan tayo nagmula, kung paano tayo naging tao, kung paano tayo nagsimula.

ika nga sa chinese philosophy, mula sa wala, magkakaroon ng meron, at magiging wala ulit. (okay, literal ang pagkakasabi ko. hahaha.) pero parang ganun nga ang konsepto.

lahat ng bagay dito sa mundo ay nanggagaling sa wala. ako, galing lang din ako sa wala, kaya tayo nandito, dahil sa mga iba pang bagay na bumubuo sa atin. dahil sa abo, ika nga ng Diyos, ay nagawa tayo. ang mga bagay sa mundo, ay galing lang din sa mga maliliit na bagay, mga akala nating walang kwenta, pero kung yung mga maliliit na bagay na yun, wala ang mga yun.

tulad ng sa megastructures na palabas sa national geographic channel, kung wala ang mga turnilyo, hindi makakabuo ng mga malalaki at magagandang buildings na nakatirik ngayon sa lupa. ang isang bato, na akala mo pangbato lang sa mga bata eh makakabuo din ng isang matibay na bahay. ang maliliit na mga binhi at butil ay lumalaki din at nagiging malalaking puno na pwede ring magbigay satin ng pagkain. siyempre, ang mga maliliit na simulain ay hindi magiging maliit habangbuhay, lalago din to, at ito ang magiging simulain mo sa isang mas malaking mga bagay. lagi nating iisipin na sa maliliit na bagay nagmumula ang mga natutupad na panaginip.

siyempre, kailangan din nating matutong lumingon sa ating pinaggalingan. atin nating alalahanin na hindi perpekto ang mundong ito, at masakit mang sabihin, life is short. sabi ko nga kanina, from nothing, we become something, and we become nothing again. isang siklo ito ng buhay. mula sa abo, tayo'y mabubuhay, at magiging abo din, pagkatapos nating mabuhay.

oo. iniisip ko nga, bakit kaya abo? eh ang itim nun. bat tayo kulay brown? sige nga, humanap ka ng brown na abo. go!

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

No comments: