Tuesday, March 8, 2011

fiammetta. :)

meet fiammetta. ang natatangi kong phone.

well, siya yung current phone ko.

may basag tong phone nato, which means it had survived through thick and thin. LOL. pero oo, napagdaanan na nitong bumagsak, mula sa dati nitong may-ari, at kahit ako na ang may-ari, nababagsak ko pa rin. hihi.

ang pangalan niya ay kakaiba diba? inpsired siya sa isa sa mga story-telling characters ni Boccacio sa the Decameron. si Fiammetta ang nagkwento na gamit ang Eaten Heart Motif. mahal na mahal mo ang isang tao, kaya mo bang kainin ang puso ng iyong mahal na may lason? at kung galit ka naman sa ka-ibigan mong manloloko, kaya mo bang ipakain sa ka niya ang puso ng kabit niya?

yeah. anong relasyon sa cellphone diba? pakisabi nga sakin, ano nga ba ang relasyon?
well. basta ang alam ko, hindi ko dapat mawala tong lintik na cellphone nato. kasi marami-rami na rin akong nagawa kasama tong phone kong to. at oo, isa rin siya sa mga kinukuhanan ko as a subject, im so weird like that.

parang nabati na rin siya no? sana hindi siya mawala. kasi, iiyak ako. kasi, isa nato sa mga malulupit na phone na nagamit ko. kasabay ni 3530, motorolla398, at ni N-gage. :D AT SIYA LANG ANG NATATANGI KONG PHONE NA MAY PANGALAN. ganun talaga pag wala akong alaga. hahahaha.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.

No comments: