Thursday, March 24, 2011

UPDATES.

GRABE. sobrang tagal ko nang hindi naga-update! lumipas na ang ilang buwan, wala na akong nasabi dito. so, i must do some updates now. :D

last year was a blast, went to Bohol and Cebu with my family, and to Ifugao with my thesismates. ang yaman ko. HAHAHA. joke. had experienced great things too. collected some new 'treasures' and took some good pictures, i think? but it was so last year, and just said it now. how loser is that?

tapos na ang pagiging fourth year. ibig sabihin, gagraduate nakooooo! oo! tapos na tapos na talaga! pagkatapos ng apat na taon, ang daming nangyari, at ang dami kong natutunan. lol. isa na ang pagka-cram, pagtatalk shit at kung ano-ano pa. isang malupit na pag-pasok rin sa UST, naging parte na to ng buhay ko. mukhang mamimiss ang pagpasok. woo.

naging masaya rin ang grades ko for this sem! i made it again for dean's list for the the 2nd sem, and for the whole school year. LOL. hindi po ako magaling, nagkataon lang po. pero, im so happy. ang ganda ng grades ko for this sem. and the whole year too. thank you, Lord!

i have been bumming around. watching Glee 2, American Idol 10 and America's Next Top Model 16. and thinking of watching Chuck, Shaman King, and Beck. tapos baka tapusin ko rin Legend of Aang this summer, since pinanonood ko yung last year. haha. bumming plans. magpapakasaya ako this summer kasi, magtatrabaho nakooo.

speaking of work, im very undecided of where will i work after graduation. i am planning of taking masters, or taking an undergraduate course again. SOBRANG WEIRD KO DIBA? pero wala akong maisip. some of my friends are telling me na dapat mag-apply ako sa mga multi-national corporations. naisip ko rin mag-apply sa GMA, where my father works. kaso, baka maloka ako dun..naisip ko rin mag-apply sa mga embassy, kaso parang wala rin akong kwenta para dun. HAAA. hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. my resume is a garbage, parang walang nagagawang mabuti para sakin. shet. paano kaya ito?

i am still the president of our choir. PERO. hahaha. wala na akong ginagawa. hinihintay ko nalang matapos yung term ko. wala na akong kwentang officer. wala rin naman akong masyadong nagawa kasi mas nakatutok ako sa fourth year ko. naintindihan naman nila yun. pero. im so passive. haay.

i have been enjoying the company of my classmates, eto na yung huli naming pagkakataon na mag-bonding bago matapos ang school year. haay. mamimiss ko ang ASN2. ang mas masaya, kumpleto kaming gagraduate! wala ng nabawas samin, wooh! quadri babies, here we go!

summer will be hectic for me too, ang daming gustong puntahan ng mga magulang ko, tapos aalis din ako with my choirmates. my parents had already planned to go to palawan and boracay, tapos la union naman with my friends. wooh. nognog nako after summer. makakanood din ako ng concert this summer! before holy week. wooh! the script! i've been loving their songs! nakakaexcite! sana mag-enjoy ako.

just bought a new book. it's entitled, Girl Trouble. looks cool, read some pages, and i think it will be a good read. a new collection for my filipiniana must-reads. yep, i have been into filipino authors than to foreign ones. ewan ko, ang mamushy kasi ng filipino books eh. saya basahin. lol.

im into asian movies too, lately. lalo na sa mga taiwanese at thai films. been downloading some too. siyempre, hindi rin mawawala yung mga indie films na gusto ko, na hinahanap-hanap ko pa rin. also been downloading albums, since mabilis lang. ayun. sobrang hilig ko mag-download ngayon.

been spending more time during the weekends. nakalaro na ulit ako ng bowling, at nakabili na rin ng mga bagay-bagay sa Divi last week. wooh. pag wala na talagang pasok, mas madami ka nang bagay na magagawa na hindi masyadong kailangan, thus, spending money. hohoho.

and now, im blogging again. i still have pending drafts to publish. actually, wala silang kalaman-laman. hahaha. pero, i will try to update them as soon as i get in to the mood of typing the content of the drafts. and add more entries. kahit na walang kwenta, at kahit random, dagdag lang.

and what are my other plans? hindi ko na alam. should be risky in applying for jobs now. kahit na siguro ayoko, pero wooh. kailangan ko nang kumita. haaa. must work. hoo. and be happy too. wooh.

so ayun. some of my updates. hindi ko nga alam kung yan na lahat. idagdag ko nalang paag meron pa. :)

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Tuesday, March 22, 2011

for some weird reasons..

gusto kong sumulat ng kwento..

pero yung naiisip ko kasi na istilo (yes, istilo? amp!) eh may mga gumawa na rin kasing iba eh. ER.

eh eh eh. how shall make a new style? para lang may masulat ako. :))

how how how? :))

anyway. isusulat ko nalang muna siguro. :)

Friday, March 11, 2011

a candlelight for all that is happening in the world right now. let us pray, and hope that a ray of light shine again for Japan, and for the other countries as well. :)

Thursday, March 10, 2011

lens: on viewing things.

sometimes, things are differently seen with the naked eye, and in the lenses.

minsan, naiisip ko, sa tuwing kumukuha ako ng mga litrato sa camera ko, naiisip ko na may mga bagay na kahit pangit talaga tingnan, eh maganda naman sa paningin ng iba, lalo na pag nakuha sa isang litrato.

may mga bagay rin magandang makita ng malapitan, at yung iba naman ay magandang makita ng malayuan. yung iba maganda ang itsura pag medyo malabo, at yung iba maganda pag malinaw ang kuha.

minsan naiisip ko, lahat ng bagay ay may pagtingin ang tao, pangit man sa'yo, eh kung ginusto naman niya yun, wala naman tayong magagawa eh. at minsan, kahit alam mo namang nagawa mo na lahat, pero sa tingin ng iba ay kulang pa, wala rin tayong magagawa dun. kailangan mo nalang ipakita pa maganda nga yun.

siguro nga, mas okay nga na ipinapakita mo nalang. mas maganda yun, nakikita mo. para alam mo kung bakit naging ganun.

siguro ganun din sa pagkuha ng litrato, kinukuhanan mo yung mga bagay na nagpapaalala sa'yo, yung mga bagay na nagpapakita sa'yo ng buhay. at dapat, di lang natin yung nakikita sa likod ng lente. dapat nakikita ng sariling mga mata natin.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

simple conversations with myself. :))

yes. one of the craziest conversations is with myself. hell yeah. that's crazy. hell crazy.

i don't know. i start of telling questions, and i answer it too. HAHA.

example? i really can't give one, because of the many conversations i had made with myself. hahaha.

maybe because im that bored. bored to not share it, or bored of not having someone to talk to. that's hard. and i think that that is my disease, talking to myself. when im alone, i really can't help but talk alone. weird. yes. im weird, like that.

Scene 1:
Me: bakit kaya nagkaganun grades ko no?
Me: baka kasi may kulang ka?
Me: hindi eh! wala naman akong hindi pinasa dun eh, maganda rin naman mga ginawa ko sa kanya..
Me: baka..
Me: hmm. oh well, at least pasado.

(LOL. i just can't imagine that im typing these! haha!)

Scene 2:
Me: So, why did you chose to apply here?
Me: well, i think that i would be able to enhance and discover more of my capabilities by working here..
Me: oohh, what would you think is important? ASEAN to Thailand? or Thailand to ASEAN?
Me: uhm, i think, ASEAN is important to Thailand because ASEAN is a target of exporting economies, it would help Thailand to boost its development...(blah blah)

(YES, that is my situational conversation entitled: the embassy interview. HAHA. and i imagined that i passed Royal Thai Embassy, even when they prefer M.A. holders. definitely not me.)

WELL. is it also a way for me to express? monologue? HAHA. a way of analyzing myself? that's non-sense. anyway. enough. hahaha. and i'll be talking more WITH myself later. later. haha. :))

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

cross: on sacrifices.

this is the second part of the lent special post.

pero, hindi ko na siguro pahahabain.

may mga bagay na dapat nating isakripisyo para sa ikakabuti ng lahat, tulad ng ginawa ni Kristo para sa atin.

kaya, minsan, kahit na tama, nagmumkhang mali sa iba ang ginawa mo. yun siguro yung isa sa mga factors na iniisip bago isakripisyo ang mga bagay-bagay.

and..i think, i have not learned to sacrifice things. hmm.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

ash: on looking back

this is a lent special post. inspired by the homily from the ash wednesday mass i attended sa school.

this is the first thing the priest said in his homily. the symbolism of the ash. sabi nga niya hindi man yung exact words.."from dust to dust.." pinapaalala ng ash sa ating mga noo kung saan tayo galing, kung saan tayo nagmula, kung paano tayo naging tao, kung paano tayo nagsimula.

ika nga sa chinese philosophy, mula sa wala, magkakaroon ng meron, at magiging wala ulit. (okay, literal ang pagkakasabi ko. hahaha.) pero parang ganun nga ang konsepto.

lahat ng bagay dito sa mundo ay nanggagaling sa wala. ako, galing lang din ako sa wala, kaya tayo nandito, dahil sa mga iba pang bagay na bumubuo sa atin. dahil sa abo, ika nga ng Diyos, ay nagawa tayo. ang mga bagay sa mundo, ay galing lang din sa mga maliliit na bagay, mga akala nating walang kwenta, pero kung yung mga maliliit na bagay na yun, wala ang mga yun.

tulad ng sa megastructures na palabas sa national geographic channel, kung wala ang mga turnilyo, hindi makakabuo ng mga malalaki at magagandang buildings na nakatirik ngayon sa lupa. ang isang bato, na akala mo pangbato lang sa mga bata eh makakabuo din ng isang matibay na bahay. ang maliliit na mga binhi at butil ay lumalaki din at nagiging malalaking puno na pwede ring magbigay satin ng pagkain. siyempre, ang mga maliliit na simulain ay hindi magiging maliit habangbuhay, lalago din to, at ito ang magiging simulain mo sa isang mas malaking mga bagay. lagi nating iisipin na sa maliliit na bagay nagmumula ang mga natutupad na panaginip.

siyempre, kailangan din nating matutong lumingon sa ating pinaggalingan. atin nating alalahanin na hindi perpekto ang mundong ito, at masakit mang sabihin, life is short. sabi ko nga kanina, from nothing, we become something, and we become nothing again. isang siklo ito ng buhay. mula sa abo, tayo'y mabubuhay, at magiging abo din, pagkatapos nating mabuhay.

oo. iniisip ko nga, bakit kaya abo? eh ang itim nun. bat tayo kulay brown? sige nga, humanap ka ng brown na abo. go!

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

marami akong drafts...

kaya, lalaktaw lang ako.

kasi. napaparanoid na naman ako.

pero, totoo naman kasing may mali akong ginawa. KUGIYFGUILTORYIL. :|

haay. sobrang sinungaling ko kasi eh. :(

well. wala lang. gusto ko na namang umiyak. :|

Tuesday, March 8, 2011

a kite. :)

The Kite Song by Rosie Thomas

Oh, tie me to the end of a kite
So I can go on, I can go on with my life
Every marigold I pass below will be my guiding light
I just want to go away from here

Oh, tie me to the end of a kite
So I can go on, I can go on with my life
Every time the wind blows stronger,
I will feel my spirit rise
I just want to go away from here

Oh, tie me up tightly by your side
So I may go with you where ever you reside
And anytime the road looks dimmer
I will be your guiding light
I just want to go away with you
I just want to go away with you


anime. :D

nagpapasalamat ako ng malupit sa channel 7 at sa channel 2 at siyempre, sa cable dahil sa mha malulupit na anime shows na napapanood ko sa TV.

alam mo yung mas lalong naging masaya yung kabataan ko dahil sa anime. lalo akong naging imaginative (WOW.) kasi dun ko nakukuha yung mga inspirasyon ko sa buhay.

maliban nalang sa pagdrawing. siyempre. hanggang imagination lang talaga ako.

pero, nagpapasalamat talaga ako sa mga malulupit na anime na napanood ko.

tulad ng Beck, Shaman King, Cardcaptor Sakura, tsaka yung mga anime noon sa AXN.

HAAY. hindi ko ba alam. lagi kong hinahalintulad ang buhay ko sa mga anime. nasa sana may magic powers din ako, mga kaibigang may mga kapangyarihan, malulupit na weapons, and chever chever. hahahaha.

oo. gusto kong magkaroon ng buhay tulad ng sa anime.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

fiammetta. :)

meet fiammetta. ang natatangi kong phone.

well, siya yung current phone ko.

may basag tong phone nato, which means it had survived through thick and thin. LOL. pero oo, napagdaanan na nitong bumagsak, mula sa dati nitong may-ari, at kahit ako na ang may-ari, nababagsak ko pa rin. hihi.

ang pangalan niya ay kakaiba diba? inpsired siya sa isa sa mga story-telling characters ni Boccacio sa the Decameron. si Fiammetta ang nagkwento na gamit ang Eaten Heart Motif. mahal na mahal mo ang isang tao, kaya mo bang kainin ang puso ng iyong mahal na may lason? at kung galit ka naman sa ka-ibigan mong manloloko, kaya mo bang ipakain sa ka niya ang puso ng kabit niya?

yeah. anong relasyon sa cellphone diba? pakisabi nga sakin, ano nga ba ang relasyon?
well. basta ang alam ko, hindi ko dapat mawala tong lintik na cellphone nato. kasi marami-rami na rin akong nagawa kasama tong phone kong to. at oo, isa rin siya sa mga kinukuhanan ko as a subject, im so weird like that.

parang nabati na rin siya no? sana hindi siya mawala. kasi, iiyak ako. kasi, isa nato sa mga malulupit na phone na nagamit ko. kasabay ni 3530, motorolla398, at ni N-gage. :D AT SIYA LANG ANG NATATANGI KONG PHONE NA MAY PANGALAN. ganun talaga pag wala akong alaga. hahahaha.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.