para sakin, at para sa iba na rin, siguro, mas simple maging miyembro. kasi susunod ka lang, gagawin mo lang ang sasabihin sa'yo. sobrang ganda maging member. kahit hindi ka yung namumuno, mas ramdam mo na may nagagawa ka dahil nauutusan ka, mas ramdam mo na may fullfillment, may accomplishment, may naitulong ka, may nna-contribute ka. and i think, i am like that when i am a member of such organizations. pero, siyempre, pwede rin naman akong tumiwalag, pag ayoko na, or whichever.
ngayon, i'd been assigned with positions that needs leader potentials, hindi ko ba alam kung natututo akong maging leader or what. ako na ang nadedesisyon, ako na ang nag-iisip, ako na ang nag-uutos ng mga bagay na dapat gawin. siyempre, mas mahirap, kasi ikaw ang magpapagalaw sa mga miyembro ng grupo mo. pag wala kang ginawa, mas walang mangyayari. and i think, mas mafifeel ng leader ang accomplishment, fullfilment, and achievement (lahat na. lol.) sa paggawa ng isang bagay, pag nakitang niyang sinusunod siya ng mga miyembro niya at natatapos at nagagawa ang mga pinapagawa niya.
ang problema nalang sa isang leader ngayon ay, gaano ba siya kagaling? gaano siya ka-authoritative para mapasunod lahat ng miyembro niya? yun pa ata ang hindi ko pa alam, sa 2 taon na pagiging officer ko sa organisasyon na pinasok ko. haaaaa.
kaya ko namang maging responsable, pero ewan ko. i don't think i have the leadership skills. bahala na.
sa totoo lang, mas masarap maging member, pero mas lasap ang kasiyahan ng paggawa ng isang bagay pag leader ka. HMMM.
oh well. another one year. gash.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
No comments:
Post a Comment