Tuesday, May 18, 2010

11:11

ngayong yearr ko lang nalaman pag nakita mo ang oras ng 11:11. umaga man o gabi eh pwede ka nang mag-wish. :))

eh naisip ko naman, sa 11:11 lang ba pwede yun? hindi ba pwede sa 12:12 or 10:10?

lol. anyway. baka siguro nagkataon na apat 1 dun. so maganda siguro yun?

isang beses ko lang na-tiyempuhan yang 11:11 wish time na yan. at hindi ko rin maalala kung ano ang nihiling ko. pero, ngayon, sobrang halos lahat ata ng tao eh inaabangan ang 11:11 para lang makahiling.

ganun na siguro ngayon. wala na kasi tayong oras mangarap at isipin ang mga gusto natin, meron siguro, pero hindi natin iniisip kung paano ito gagawin. kung paano natin ito makakamit, yun ang hindi ko rin alam.

kaya siguro ng ganitong oras. ipaalala sa atin na hindi lang dapat trabaho ng trabaho, bago yun, isipin muna natin. eto na nga ba? hanggang dito lang ba?

libre lang mangarap, at kung gusto mo nalang rin naman ng mangarap eh lubus-lubusin na natin, at pag-isipan ng mabuti. sabi nga ng pussycat dolls, be careful what you wish because you might get it. :)

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

1 comment:

Anonymous said...

11:11 is <3

I'm also thinking, bakit kaya di nalang 10:10 or 12:12, etc :)) And I agree, we need this, kase no matter how many things you have or how many works you do, may mga wishes ka parin sa buhay, "MAN IS NEVER CONTENTED"--- kaya ayun materyal man o hindi, we need to reflect sometimes.