Saturday, May 29, 2010

fin: on ending.

ano ba ang feeling mo pag natapos na ang movie na pinapanood mo. malulungkot kasi tapos na siya? matutuwa kasi maganda siya? mapapaisip dahil hindi mo naitindihan? mabibitin at sasabihin na gusto mo pa? o wala lang, no reaction, no comment, wala kang pakialam?

ano nga ba ang pakiramdam pag may natapos, o tinapos na bagay na kailangan mong iwan, iwasan? kalimutan? lahat na? ops, sobra naman yun..

pero, maraming mas nalulungkot pag may isang importanteng bagay ay natapos na. pagmamahal niyo sa isa't isa, pagkakaibigan, pagsasama, at kung ano-ano pa. minsan, masakit pa. siyempre, importante yun eh.

marami rin namang natutuwa, pag natapos mo na ang dapat mong gawin, tulad ng pag-aaral, trabaho, at kung ano pa man. fulfilling, at sobrang gaan sa pakiramdam.

but one or another, matatapos din siya, at sa ayaw mo man o hindi, eh kailangan mo rin siyang tapusin at iwanan. yun nga ata ang gustong ituro sa atin ng buhay. lahat ng bagay ay may katapusan, kaya hangga't meron pa, lubusin mo. pag natapos na, wala ng balikan, natapos na eh.

and ending something, is not easy. haay. isa pang hamon yun.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

No comments: