Monday, May 31, 2010

6 pesos. :)

well, i attended this conference in Laguna with some of my friends. it was about leadership and a group should work.

and it was actually fun. very much. i learned many things, and i hoped i'd be able to apply it on what i'm doing now.

but the most interesting part of the whole conference was giving 5 peso, 1 peso, and 25 centavo coins to someone who deserves to receive a certain amount. it represented the amount of what you have done, or the amount of how you inspired others with the things you do. it was very touching and was very inspiring, at the same time.

i was able to receive 6 pesos, i was speechless. i didn't know that i can be that inspiring to other people. i did not expect to have more than 20 pesos, of course, im not that friendly and whatever it is, i guess.

but the fact that i received 6 pesos from people i know, and from the people i don't know is really touching to me. i didn't know that i was that inspiring. i'll try my best t help, inspire, and do the things that should do.

i guess, doing small things, would do big and great things.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Saturday, May 29, 2010

JOKESLANG.

naging president ako ng HFYC. sobrang ganda.

dumadami na followers ko sa tumblr, sobrang lupit.

bumaba na ang karma ko sa plurk, dahil dun, wala na ako sa karma 100 club, bumabawi na ulit ako, sobrang saklap.

iniisip ko na ang mga kailangan gawin para sa school, wala pa ngang june, hind pa ako nakakapag-enroll, sobrang parang tanga lang.

ang daming nangyari ngayong summer na ito, met new friends, experienced new things, i guess, sobrang saya lang!

umuulan na ulit, hindi ganun ka nakakairita ang panahon, sobrang lamig.

patapos na ang summer na ito, kailangan na ulit maging busy, balik-eskwela na naman, para sa huling pagkakataon? sobrang..sobrang ewan.

JOKESLANG. SOBRANG JOKESLANG. HAHAHA.

sorry, ang random.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

fin: on ending.

ano ba ang feeling mo pag natapos na ang movie na pinapanood mo. malulungkot kasi tapos na siya? matutuwa kasi maganda siya? mapapaisip dahil hindi mo naitindihan? mabibitin at sasabihin na gusto mo pa? o wala lang, no reaction, no comment, wala kang pakialam?

ano nga ba ang pakiramdam pag may natapos, o tinapos na bagay na kailangan mong iwan, iwasan? kalimutan? lahat na? ops, sobra naman yun..

pero, maraming mas nalulungkot pag may isang importanteng bagay ay natapos na. pagmamahal niyo sa isa't isa, pagkakaibigan, pagsasama, at kung ano-ano pa. minsan, masakit pa. siyempre, importante yun eh.

marami rin namang natutuwa, pag natapos mo na ang dapat mong gawin, tulad ng pag-aaral, trabaho, at kung ano pa man. fulfilling, at sobrang gaan sa pakiramdam.

but one or another, matatapos din siya, at sa ayaw mo man o hindi, eh kailangan mo rin siyang tapusin at iwanan. yun nga ata ang gustong ituro sa atin ng buhay. lahat ng bagay ay may katapusan, kaya hangga't meron pa, lubusin mo. pag natapos na, wala ng balikan, natapos na eh.

and ending something, is not easy. haay. isa pang hamon yun.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Friday, May 28, 2010

inca: on being a member, and being a leader.

well, most likely, all my life, i was a member. inuutusan, sumusunod sa lahat ng utos, at umookay lang sa lahat ng desisyon na kinalalabasan sa mga meeting. sa pagiging member, parang ganun lang ang palagi kong ginagawa. "okay lang sakin yan." the infamous line that i'd always say when i agree on a decision made by some people who control the meeting.

para sakin, at para sa iba na rin, siguro, mas simple maging miyembro. kasi susunod ka lang, gagawin mo lang ang sasabihin sa'yo. sobrang ganda maging member. kahit hindi ka yung namumuno, mas ramdam mo na may nagagawa ka dahil nauutusan ka, mas ramdam mo na may fullfillment, may accomplishment, may naitulong ka, may nna-contribute ka. and i think, i am like that when i am a member of such organizations. pero, siyempre, pwede rin naman akong tumiwalag, pag ayoko na, or whichever.

ngayon, i'd been assigned with positions that needs leader potentials, hindi ko ba alam kung natututo akong maging leader or what. ako na ang nadedesisyon, ako na ang nag-iisip, ako na ang nag-uutos ng mga bagay na dapat gawin. siyempre, mas mahirap, kasi ikaw ang magpapagalaw sa mga miyembro ng grupo mo. pag wala kang ginawa, mas walang mangyayari. and i think, mas mafifeel ng leader ang accomplishment, fullfilment, and achievement (lahat na. lol.) sa paggawa ng isang bagay, pag nakitang niyang sinusunod siya ng mga miyembro niya at natatapos at nagagawa ang mga pinapagawa niya.

ang problema nalang sa isang leader ngayon ay, gaano ba siya kagaling? gaano siya ka-authoritative para mapasunod lahat ng miyembro niya? yun pa ata ang hindi ko pa alam, sa 2 taon na pagiging officer ko sa organisasyon na pinasok ko. haaaaa.

kaya ko namang maging responsable, pero ewan ko. i don't think i have the leadership skills. bahala na.

sa totoo lang, mas masarap maging member, pero mas lasap ang kasiyahan ng paggawa ng isang bagay pag leader ka. HMMM.

oh well. another one year. gash.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Tuesday, May 18, 2010

11:11

ngayong yearr ko lang nalaman pag nakita mo ang oras ng 11:11. umaga man o gabi eh pwede ka nang mag-wish. :))

eh naisip ko naman, sa 11:11 lang ba pwede yun? hindi ba pwede sa 12:12 or 10:10?

lol. anyway. baka siguro nagkataon na apat 1 dun. so maganda siguro yun?

isang beses ko lang na-tiyempuhan yang 11:11 wish time na yan. at hindi ko rin maalala kung ano ang nihiling ko. pero, ngayon, sobrang halos lahat ata ng tao eh inaabangan ang 11:11 para lang makahiling.

ganun na siguro ngayon. wala na kasi tayong oras mangarap at isipin ang mga gusto natin, meron siguro, pero hindi natin iniisip kung paano ito gagawin. kung paano natin ito makakamit, yun ang hindi ko rin alam.

kaya siguro ng ganitong oras. ipaalala sa atin na hindi lang dapat trabaho ng trabaho, bago yun, isipin muna natin. eto na nga ba? hanggang dito lang ba?

libre lang mangarap, at kung gusto mo nalang rin naman ng mangarap eh lubus-lubusin na natin, at pag-isipan ng mabuti. sabi nga ng pussycat dolls, be careful what you wish because you might get it. :)

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)