etong week na ito, yata, ang pinakamabigat na panahon sa buong buhay ko.
biruin mo? isang week akong hindi ako makatulog na maayos.
unang-una, himig tomasino na bukas! pangalawa, may tinatapos akong papel, pangatlo, kailangan kong magbigay ng 2000 pesos para sa costume ko, at panghuli, mamimiss ko lahat ng classes ko lahat, if ever.
oh diba? tapos, meron pang mga sumusulpot na reading assignments, researches and other things.
so, kamusta naman yun?
eto ang nagbigay sakin ng mas malaking dahilan para magpahinga ng isang week after ng linggong to.
ang dami-dami ko na ring nagawa sa week na ito.
huling hirit na lang:
sana, maging maganda ang kalalabasan ng performance namin
sana, pumasa ako sa prelims
sana, matapos ko yung paper namin sa scl3
sana, matapos ko yung mga dapat tapusin
at sana, makapagpahinga ako ng bonggang-bongga sa mga susunod pang araw.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)
No comments:
Post a Comment