Tuesday, January 27, 2009

i hate this part right here.

i am really hating this part.

this part, wherein i need to study hard, make papers, research and memorize and read and write and the infamous cycle repeats itself every single moment of my college life.

and what am i suppose to do? turn it into a medium of happiness? NAAH.

hindi rin, kasi lagi ako napre-pressure sa tuwing naiisip ko ang mga gagawing school works. and yeah, my cramming powers is not working at my side. i guess, kailangan ko nang maging matinong mag-aaral. that means, kailangan ko na talagang seryosohin ang pag-aaral, since yun naman na rin ang ginawa ko last sem.

nakita ko na nga yung grades ko nung prelims eh, and it was okay, but not great. typical grades ng isang average college student.

lumabas na rin yung mga DL last sem, at naiingit ako sa mga umabot sa GWA quota. masakit mang isipin, unting-unti na lang eh, kung 2.0 lang sana ang quota, umabot pa ako ng bonggang-bongga.

i guess, i should take this as a challenge, lalo pa't tatlo ang tinuturing kong major subjects ko ngayon. so far, hindi ako okay sa isa kong subject, at kailangan ko nang magpakitang gilas ngayong 2nd half ng semester. super kailangan.

on the brighter side of the world, i will be able to share my love with other people this week.

our block has decided to go to "House of Joy", an orphanage for children who have lacked body and mental capabilities. minsan lang naman ako makapunta sa mga ganitong orphanages. i guess hindi ko na iisipin kung may incentive ito o wala, basta makapunta na lang ako dun, makapagbigay ngiti sa mga bata, okay na yun.

sa saturday na rin ako aalis for mg LTS. kahit na ang dami ko pang kailangan gawin, naeexcite pa rin ako, na may halong katamaran. hindi ko kasi alam kung paano gagawin yung mga worksheets ko.

haay. at marami ring nangyari sa buwang ito, bukod sa madalas kong hindi pagtulog at pagpupuyat.

- nanalo ang AB Chorale sa Himig Tomasino 2009!
- nagkaroon ako ng bagong jacket at bagong sim card!
- may phone na ulit ako!
- dahil finals na, bagong hand-outs at bagong readings!
- naipasa na namin ang draft ng major paper namin! kinakabahan ako.

and yeeaah. gusto ko nang magsummer.

sa ngayon, "I gotta do it, I gotta do it, I hate this part, I gotta do it, I gotta do it, I gotta do it!"

HAHA.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

No comments: