Sunday, November 30, 2008

nakakapagtaka.

"nakakapagtaka pag sinasabi mong hindi ka nakapag-aral, tapos biglang pumasa ka pala, o kaya'y minsan, ikaw pa ang may pinakamataas na marka.."

"nakakapagtaka pag sinasabi mong alam mo yung bagay na yun, pero pag tinanong ka, hindi mo masagot.."

"nakakapagtaka kapag sinabi mong hindi mo kayang gawin yung bagay na yun, pero sobrang galing mo pag ginawa mo.."

"nakakapagtaka kapag sinabi ng magulang mo na mag-aral ka, pag nagpupuyat ka sa pag nag-aaral, nagagalit sila.."

"nakakapagtaka kapag nag-eexpect ka, hind iyon yung nangyayari, pero pag hindi ka naman nag-expect, bigla namang nangyayari.."

"nakakapagtaka pag minsan sinabi mo na kaya mo pa, yun pala hindi na."

"nakakapagtaka pag sinabi mo joke, yun pala totoo na.."

"nakakapagtaka pag sinabi ng mga guro na wag maingay, nagagalit din sila pag tahimik.."

"nakakapagtaka pag cute sa tingin mo, yun pala hindi talaga.."

"nakakapagtaka pag nagpromise ka, hindi mo natutupad.."

"nakakapagtaka pag tinatamad o ginaganahan ka, biglang magiging baliktad yung feeling mo.."

"nakakapagtaka pag nakita mong magaling yung tao, iisipin mo na magaling na siya sa lahat ng bagay.."

"nakakapagtaka na meron mga taong hindi nagtataka sa mga nangyayari sa ating mundo at nakikisabay at hindi na lang nangengealam sa daloy ng buhay.."

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

1 comment:

Shaynie said...

after reading your blog, i then realized that action speaks louder than words for you! nakapagtataka. haha