"akala ko, yung langit, yun na yung universe na pinaliligiran ng mga bituin.."
"akala ko, pag naghalikan ang babae't lalaki, may baby ng mabubuo.."
"akala ko, babae ako.."
"akala ko, magaling ako sa maraming bagay.."
"akala ko, madali lang mag-aral.."
"akala ko, ayoko ng math.."
"akala ko, hindi matutong mapuyat at hindi matulog.."
"akala ko, lagnat lang ang sakit ko.."
"akala ko, hindi ako matututong uminom at gumimick.."
"akala ko, marami akong pera.."
"akala ko, magaling akong leader.."
"akala ko, madali lang pumasa sa UP, ADMU, UST, at DLSU.."
"akala ko, nakakabagot mag-research.."
"akala ko, hindi ako marunong mag-labas ng ideya't saloobin ko.."
"akala ko, hindi ko maoopen sa mga kaibigan ko ang tunay kong kulay.."
"akala ko, hindi ako magkakaroon ng friendster at multiply.."
"akala ko, hindi ako matututong mag-computer.."
"akala ko, hindi ako masisiyahan mag-blog.."
"akala ko, wala akong kaibigan.."
"akala ko, wala akong kwenta.."
"akala ko, masaya ang buhay, hindi pala."
"akala ko, ako lang ang may maling akala sa mundong ito.."
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)
1 comment:
akala ko kakanta ka na ng kanta ng parokya ni edgar eh.... yung: akala ko toothpaste yun pala glue.. akala ko siomai yun pala siopao... akala ko meron, yun pala wala... akala ko si ano yun pala si ano.... (wala bang mga kamay diyan para kumanta...?) yeeeeeeeeerrrrrpeeeeeee.! ahahahaha.
matagal na din akong hindi nakakapag-comment dito. nung nabasa ko 'to, natawa ako dun sa: "akala ko babae ako..." pasensya na imbes na makapagisip-isip ako, natawa ako... pasensya na tlga... pero alam ko namang sersyoso yung line na yun... pero ang pamatay talaga eh yung: "akala ko ako lang ang may maling akala sa mundong ito"
yun yun eh! mga tipong pamatay garapata sa kanto ng taft avenue yung mga linyang humihirit ng pilit na yun. sobra. palakpakan to the maxxxx to...!
pero siguro gian, yung isang bagay na narealize mo dito, dadalhin ka pa sa panibagong YugTo (lumiyab ka! oh oh oh oh! - rico blanco. hahaha) siguro pag minsan hindi lang din natin kailangan marealize na meron din pala tayong mga maling akala. higit pa dun, kailangan din natin siguro matutuhan na 'wag masyadong magexpect ng masyado sa mundong 'to. kasi yun nga, pag masyado tayong nag-expect, at in the end hindi binigay sa atin, ang tendency madidisappoint lang tayo sa sarili natin. sana hindi lang din natin to matutuhan, sana matuto din tayong gawin yung mga bagay na narealize natin sa sarili natin at paligid natin. hay! ang haba na ah.... hahahaha peace!
-sa ngalan ng katotohanan, sa ngalan ng iyong dangal! ang puso't isipan, ialay mo sa Maykapal! Lumiyab ka! ho ho ho ho ho .... - Yugto, Rico Blanco
Sorry, hindi ako maka-move on sa kanya eh... Peace!
Post a Comment