i was really expecting that that week would be really great. i guess, it was not.
unang pagkakamali: hindi ko sineseryoso ang pagiging lider ko. oo, napilitan akong maging team captain sa PE ko. dahil iniisip ko na hindi ko kaya, na ayoko kong gampanan ang responsibilidad ko, napabayaan ko ang dapat hindi mapabayaan. wala lang siguro akong leadership factor dahil wala talaga akong alam sa pagiging leader, ni kahit nga maging presidente ng isang klase ayoko eh, maging team captain pa kaya?
pangalawang pagkakamali: masyado akong naging kampante sa mga kaya kong gawin. oo, kaya ko nga mag-cram, kaya ko nga magsulat, kaya kong mag-aral. pero hindi ko iyon nagamit sa tamang pamamaraan. masyado akong umasa sa mga kakayanan ko, na hindi ko na naiisip ang kalagayan ko. ngayon ko lang nalaman na kailangan ko rin ng pahinga, at kailangan ko rin talaga ng panahon para sa sarili para makahugot ulit ng lakas at resistensya sa mga hamon na ibabato ng mundo sakin. kaso, hindi ko iyon naisip kaagad, hindi ko iyon naalala kaagad.
pangatlong pagkakamali: nagiging waldas na ako sa pera, pineperahan ko na ang mga magulang ko para lang maka-extra gastos ako sa school. pero, sa totoo lang, kailangan ko talaga ng additional allowance. unang-una sa lahat, andami ko ng pinapa-photocopy para sa aking pag-aaral. yung ibang binibigay, at yung ibang niriresearch ko. kumakain pa ako, bumibili ng mga kailangan sa school at kung anu-ano pa. gustuhin ko man magtipid, wala rin, kasi sa sobrang hirap ko, at sa sobrang daming binabayaran, wala rin. kung papayag lang sana mga magulang ko eh, kaso, ayaw nila.
"learn from your mistakes", ika nga ng iba. and i guess i have learned a lot.
i hope that this week would be brighter than last week.
mistakes will be the pathway on achieving your goal. at the same time, it could also be your downfall.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)
No comments:
Post a Comment