Monday, September 3, 2012

***

matagal na itong post na ito. ilang taon na ring siyang nasa drafts dahil ayoko siyang i-publish. tungkol ito sa isang kaibigan. ayoko maging masyadong cheesy. haha. ngayon nga lang, hindi na kami masyadong nakakapag-usap dahil pareha na kaming busy sa aming mga buhay. okay lang, para ngang wala nakong pakialam sa buhay ko. anyway. para lang mabawasan na ang aking mga draft. ayun. :)

***

minsan, hindi ko talaga alam kung bakit siya ang lagi kong iniisip. kahit na abala ako sa gawaing kolehiyo, o kaya nama'y sa tuwing ako ay nasa harap ng computer, lagi siyang sumasagi sa isip ko. ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko siya, laging nakukumpleto ang araw ko. parating iba ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya. yung pakiramdam na pwede ka nang magpakamatay pag nakapag-usap kayo.

may itsura siya, sa totoo lang. moreno, matangkad, may katamtamang pangangatawan. hindi mapagkakaila na malakas talaga ang dating niya. matalino rin siya, masayang kasama, at masarap kausap.

nagkaroon ako ng "feelings" para sa kanya. oo, kahit na alam ko na hindi maaaring maging kami, nagkaroon pa rin ako ng gusto sa kanya. naitago ko rin yun ng ilang buwan, kasi hindi rin naman kami nagkakapag-usap. tapos, nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap kami. sinabi ko sa kanya na may gusto ako sa kanya. pagkasabi ko nun, nanahimik lang siya. bigla siyang nagsalita, "alam mo, tanggap ko yun." sabay akbay sa aking balikat. mula sa oras na yun, nagkaroon kami ng "moment" para mag-usap. kahit na wala akong pag-asa sa kanya, napakasaya ko, kasi naging kaibigan ko siya.

ngayon, lagi na kaming nakakapag-usap ng kahit anong bagay. tungkol sa kanya, tungkol sa akin. at hindi ko pinagsisihan na sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya. hinding-hindi.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

No comments: