Tuesday, August 16, 2011

the "hindi ko maisip naguguluhan ako kaya gagawin ko nalang to" blog post. :)

OO. eto nga lang actually ilalagay ko.

i have been really bad. in everything. it makes me really feel not myself. not because i am a person that always know what's the right thing. that's actually what i want to learn. i never knew what is the right thing, because i've been doing the wrong thing.

pero. there's always space for the errors you've done, and fill with the right and good things.

hindi ko talaga maisip. na ginawa ko yun. na ang lakas ng loob ko, na magsinungaling, na tumakbo, na sabihin na may magagawa ako. pero wala. pag hinarap ko, naduduwag naman ako. takot ako. gagawin ko tas hindi ko kayang harapin ang mga consequences ng ginawa ko. makes me weak. sinira ko lang sarili ko.

naguguluhan ako. sa dapat kong gawin. sa dapat kong isipin. ano bang dapat kong gawin? ano ang dapat kong isipin? ano nga ba? masyado nakong nagrerelax. masyado nakong nag-eenjoy na hindi alamin ang susunod na mangyayari sakin. mahirap din yun. hindi ko na alam. naguguluhan. nalilito ako. frustrated. pressured. di ko alam.

kaya gagawin ko nalang to. sugod na lang ng sugod. bahala na. at least nitry ko. hindi ko na gagawin yung mga dapat hindi gagawin. gusto kong baguhin ang sarili ko. dahan-dahan. hanggang sa mawala ang pakiramdam ko sa sarili ko na mahina ako. na wala akong kwenta. susubukan kong patibayin ang sarili ko. susubukan kong magtiwala sa sarili. susubukan kong umasa sa kung ano man ang mabuti. susubukan kong isipin ang mga bagay na gusto ko. at susubukan kong abutin ang mga ito.

susubukan. susubukan lang. kahit na. pumalpak. susubukan. susubukan at susubukan.

sa ngayon. susubukan kong matulog. magulo na ang isip ko.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

No comments: