maski papaano. makapasa man lang. o may magawa man lang, okay na yun.
that's my some sort of a philosophy for myself. gagawa para lang may magawa. sasali para masabi na makakasali. maski papaano, eh may nagawa ko.
pero, ngayon ko lang narealize, na mali pala ito. ano ngayon kung may nagawa ka, kung may naisip ka. tama ba ito? may magagawa ba ito sayo? may kwenta ba?
parang hindi naman. para kasing, bara-bara mo lang na gagawin. hindi mo na iniisip, basta may ginawa, hanggang dun nalang. parang hindi mo ineexplore yung limits mo as a person. you're not making risks. oo, masakit mag-risk, lalo na pag mali, pero kung matututo ka naman sa pagkakamali? ano namang masama diba? learning from mistakes makes you a lot better. pwera na lang kung gusto mo ulit magkamali.
naisip ko lang. sana nga, hindi lang "maski papaano" ang iniisip ko. kailangan hindi na ako nagpe-play safe. masaya din namang sumubok ng mga bagay na hindi mo pa alam. at malalaman mo rin naman. go lang ng go, kakayanin din naman.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
No comments:
Post a Comment