word of the year.
sorry kung naging masama akong anak. kasi iniisip ko minsan na tama ako. yun pala hindi. sorry ah. mapang-akala lang din siguro kasi ako na akala ko tama ang ginagawa ko. sorry. susunod na ako sa mga mga tamang gawin. kung tama nga talaga. pero kung alam kong tama rin ako, eh ayun lang.
sorry kung naging tamad ako. oo. sobrang tamad ko na ginagawa ko ang dapat gawin sa araw o ilang oras bago ipasa iyon. kaya ang sloppy din ng mga gawa ko. hindi masyadong maganda, at hindi masyadong pinag-isipan. sorry.
sorry kung hindi ako naging magaling na estudyante. pinipilit kong matuto sa abot ng aking makakaya. pero minsan, hindi talaga kaya ng utak ko. masyadong maliit sa mga mararaming bagay na gusto kong matutunan. sorry. susubukan kong matuto ng mas bongga sa susunod.
sorry kung hindi ako magaling na leader. kasi hindi naman talaga ako ganun. follower lang ako eh. ni simpleng pagbibigay lang ng ideya hindi ko magawa ng maayos kasi wala rin naman akong maisip. ehh. ayun. sa totoo lang, ayoko rin namam maging leader. ayokong mag-isip. kahit na sabihin na pwede namang ma-develop yun, parang ako na rin ang gumagawa ng paraan para hindi ako matuto. hindi ko rin alam kung bakit. minsan mas nagiging leader pa yung mga subordinates ko dahil mas may alam sila. susunod nalang din ako, para may magawa na rin. napaka-hirap maging leader. haay.
sorry kung ang dami kong nagawang masama sainyo. nag-sinungaling. sinampal, sinuntok, sinabunutan, sinigawan, inasar, at kung ano pa man. sorry. masama kasi talaga ako. haha. or, nagagawa ko lang yun kasi sa sobrang galit, o sa asar. sorry. hindi ako nakakapagtimpi minsan.
sorry kung hindi ako naging mabuting kaibigan o kaklase. hindi ko kayo inintindi. hindi ako naging mabait sa pagpapakopya, sa pagsasabi ng mga kailangan gawin. sorry kung hindi ako naging matulungin sa mga group works. sorry kung wala akong nasabing maayos sa'yo, o sa iba. sorry ah. sorry din kung naging insensitive ako. sorry kung di ako nakakatext. sorry. mahirap kasi ako, walang pangload. sorry kung naging mayabang ako minsan. sorry din kung napaka walang kwenta kong kausap. turuan niyo akong magkaroon ng kwenta.
sorry kung sobrang ambisysosa ko. sobrang bading ko. sorry. kung sobrang landi ko, sorry. hindi nako manlalandi. haha. seryoso. masyadp lang siguro akong friendly. pero seryoso. hindi na talaga. sorry din pala kung umasa ako. haha. sa susunod hindi na ako mag-eexpect, kasi yun din naman ang totoo. sorry ah. hindi talaga mauulit.
sorry kung wala akong tiwala sa sarili ko. sorry kung sobrang pessimist ang tingin ko sa mga bagay-bagay. sorry kung sobrang baba ng self-esteem ko, sorry kung wala akong self-confidence. sorry din kung sobrang paranoid ko. sorry sa mga pagkakataon na nadadamay kayo sa kawalan ko ng mood. hindi na mauulit. sobrang babaw kasi ng kalungkutan ko. at sobrang bilis ko rin malungkot pag may nagawa akong hindi maganda. takot akong magkamali. kasi pag nagkamali ako, kahit na matututo ako, mapapagalitan rin ako. tapos uulitin ko rin naman, parang hindi naman ako natuto nun. sorry ah.
sorry. naiiyak ako habang ginagawa to. feeling ko kasi sobrang dami kong nagawa sainyong lahat. ewan. napaka-ewan ko. haay.
magtatype nalang ulit ako mamaya. at kakanta siguro. para bumuti tong pakiramdam ko. hay.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
No comments:
Post a Comment