Wednesday, February 10, 2010

fickle-minded.

ang weird ko ngayong araw na ito.

i was chosen to coach the girl's vball team of my course for the sportfest of our faculty. i was deciding if i'll wear my uniform, or i'll wear a civilian attire. mga naka-ilang ulit rin ako ng palit ng damit. hindi na nga ako nakapag-deodorant at nakapagpabango sa sobrang alala.

tapos, sinasabayan pako ng nanay ko. "hanapin mo na kasi yun!" "iligpit mo mga damit mo!" "ayusin mo mga kalat mo!" na paulit-ulit lang niya inuutos sakin. parang hindi ako papasok ng school. haay. medyo nairita nga ako eh.

ayaw niya akong patakbuhin na secretary, dahil makalat daw ako. sige na, makalat na. sige na, ako ng mali. grabe. feeling ko tuloy ang sama-sama ko. magliligpit naman ako, nagkataon lang

nung umalis nako sa bahay, iniisip ko pa rin kung magpapalit ako ng damit. napatigil ako sa isang kalye. bumalik ako kasi naisip kong magpalit, tapos humarap na ulit ako naglakad..tapos tumalikod, tapos humarap, tapos tapos...

napagdesisyunan kong mag-uniform nalang. hindi pa nga panatag loob ko nun eh. pero, inisip ko na okay nang naka-uniform nako. nakaalis din ako, sa wakas.

nung nasa bus nako, nagtext friend ko na hindi na tuloy yung game, so okay lang. buti nalang naka-uniform nako. wooh.

napadasal pako sa bus kanina, para lang mapanatag nako ng buong-buo.

buti nalang talaga maraming cute sa bus nun, medyo natuwa ako ng onti. at kausap ko ang kaklase ko habang bumibiyahe.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

No comments: