"nakakabother pag ikaw na yung nawala, at walang makapulot sa'yo.."
minsan, tumatawa na lang ako. pero sa totoo, nalulungkot talaga ako, nakakahiya na kasi. parang ilang beses ka nang nasabihan, tapos hindi ko pa rin mapigilan yung sarili kong gawin yun..
minsan, naiinis ako sa sarili ko sa tuwing nagagawa ko yung usual kong ginagawa: makawala o maka-misplace ng mga bagay-bagay, tapos hindi ko na maalala. ang dami nang nagalit sakin. sinabihan nakong tanga, bobo, gurang, may short-term memory loss, lolo. and others..
sensitive kasi ako sa mga ganyan, at pag natatamaan ako ng mga ganyan, talagang tinatamaan yung pagkatao. minsan, umiiyak na lang ako sa kwarto kasi wala naman akong magawa, bigla na lang akong nawawalan.
kahit naman na ganun ako, pinipilit ko pa rin naman na hindi na makawala, kaso talagang may time talaga. and fault ko na rin siguro yun dahil wala akong responsibilidad sa mga gamit ko.
dahil nawala ang wallet ko kanina, nawalan ako ng pera pauwi, pera pang-nood ng new moon, at nagkaroon naman ako ng utang na dapat ay wala ako. :
nakakalungkot lang. nakakadismaya. :
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
1 comment:
Aw. Hindi mo yata toh na-share akin... Saturday? Nung wala si Sir? Excited ka pa naman nung araw na yun.
Post a Comment