mag-aaral na naman.
yan ang lagi ko naiisip sa tuwing bumabangon ako mula sa sira-sira, magkahiwalay, at puno ng kalat kong kama. lagi kong iniisip na umidlip ulit, pero kailangan ko nang manatiling gising, dahil baka mapag-iwanan ako ng oras, at hindi na makarating sa klase..
laging nagsisimula ang aking araw sa pagtingin sa kompyuter. nag-susurf sa internet. nanonood ng videos sa youtube, nanonood ng mga series, update sa mga "social networking" accounts ko, at kung ano-ano pa.
cramming is the best way to pass.
napatunayan na yan ng marami sa ating mga estudyante. para lang makapasa, magka-cram ng malupit para may maipasa lang. apparently, eto na pala ang magiging susi mo sa pag-pasa mo sa subject na iyon.
ayoko na mag-aral.
ewan ko, parang gusto ko nang matapos ang lahat ng ito para makapagpahinga na ako. para sa amin na ring mga estudyante. 3rd year college pa naman ang pinakamahirap sa lahat ng taon na pagdadaanan mo sa kolehiyo. bakit di na lang gawing 3-year course ang bachelor's degree? haaay.
haay. ang emo ko. tama na nga muna.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
No comments:
Post a Comment