i have been a victim of stereotyping. of course, every person has been stereotyped. yung mga tipong, "akala ko, masungit ka", or yung mga tipong 'snobbish', 'mukhang mayaman', 'jologs' and everything similar to that.
nangyari na rin sakin yun, yung mga 'first impressions' ba. kaso yung mga naiisip ko, iba eh. it is not related to a personality of someone.
sabi ng mga kaibigan ko, kahit ng mga kaklase ko,ang cute ng sulat ko, kasi, pang-doktor daw. hindi daw kasi maintindihan, parang kinahig ng sampung manok. nung kumuha ako ng entrance exams para sa college, i tried applying for BS Biology, since gusto ko rin naman mag-doktor. unfortunately, i failed. i guess, napaniwala ako ng stereotyping.
dahil rin naman, bakla ako, maraming nagsasabing magiging beautician, manicurista or something na nirerelate nila sa pagkabading daw ako. eh, kahit mawalan siguro ako ng trabaho, hindi ko susubukang kumuha ng ganung trabaho. iba pa siguro. basta hindi lang yun.
Filipino-style of stereotyping. meron ding stereotyping sa Pilipinas, halos lahat naman ata ng tao, nagstistreotype din ng ibang tao.
kahit ang corruption at prostitution, nagkakaroon na rin ng stereotyping. sa corruption, basta may kapangyarihan, aba, corrupt na daw. kahit na hindi naman talaga alam ng mga tao ang totoong nangyari, hala sige, iniisip pa rin nilang corrupt ang mga may kapangyarihan. hindi naman lahat ng may kapangyarihan, corrupt.
at kahit rin sa prostitution, may stereotyping. basta mukhang pok-pok, pok-pok na! minsan nga, kahit nakita lang ang babaeng lumalabas ng gabi, aba, pok-pok na! haay naku.
stereotyping. hindi ko rin alam kung bakit ito naimbento, kung bakit ito naging laganap sa ating mundo.
minsan, naiisip ko, tayo-tayo rin naman ang nagpapalaganap ng stereotyping eh.
tingnan mo na lamang ang pelikulang "High School Musical", aba, kitang-kita sa movie nato ang stereotyping sa eskwelahan. dapat lahat ng cheerleaders, kikay at maarte. lahat ng basketball players, basketball lang ang iniisip, maskulado at hayok magpractice palagi.
dito naman sa Pilipinas, pag nag-aaral ka sa mga sosyaling pamantasan, tulad ng mga gumagamit ng pana, at mga nag-aalaga ng agila, aba'y bongga kung makapag-ingles. kung isa ka namang iskolar, pinaniniwalaang matalino ka. at kung alagad ka naman ni santo tomas, wala lang. pinaghalo-halo ng tatlo. haha!
stereotyping. lahat naman ata ng tao, ay biktima, at produkto ng stereotyping.
napapaniwala tayo sa mga sinasabi ng tao, dahil pinaniniwalaan natin, nagiging totoo. at dahil nagiging totoo, ginagawa rin natin, at pinapagawa pa natin sa iba.
stereotyping. ito ang nagpapaikot ng ating mundo. ito ang nagpapaexcite sa ating buhay.
minsan, kailangan nating bigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay. pero, minsan, nagiging masama ito dahil sa nagiging basehan na ito ng ating mga pinaniniwalaan..
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)
1 comment:
I watched Obama's dialogue with the students in turkey and he talked about stereotyping...yesss naman, na-mention lang naman, kase may nagtanong sa mga pwedeng dahilan kung bakit siya binoto ng mga americans, tas sabi nia, nalelessen na daw yung stereotyping considering yung pangalan nia na barak "hussein" obama, tas may mga kapamilya siyang muslin...ayun
:)
Post a Comment