wala akong kwenta.
masakit mang isipin, wala akong kwenta. marami na rin kasi akong nagawa, sa tana ng buhay ko, na sobra-sobra sa sama at grabe kung makasakit ng damdamin ng ibang tao. kung hindi naman ganun, nakulangan naman ako ng kabutihang loob para gawin ang dapat gawin. oh diba? nagagawa ko ang dalawang magkaibang apseto sa pagturing sa mga buhay. ang saya. napakasaya.
wala akong kwentang mag-aaral. siyempre, dahil hindi ako nag-aaral. may dalawa na akong bagsak, at feeling ko madadagdagan pa iyon. kahit na sinabi nilang kaya ko pa yun bawiin, the fact na sinabi niya na bagsak ka, bagsak ka. masakit mang malaman, pero iyon ang katotohanan. kailangan ko na lang bumawi. siguro, ang dahilan nito ay ang pagiging waldas ko sa oras, at pagiging kampante sa pagka-cramming. at mukhang nakalimutan ko na ang pagpaprioritize sa mga dapat kong gawin. first time kong bumagsak sa math at PE, seryoso. first time ko lang talaga.
wala akong kwentang miyembro ng pamilya. haay, ako na lang kasi ang laging napapagalitan sa bahay. okay fine, hindi naman ako perpekto, pero sa akin ibaling lahat ng mali, na dapat eh mali ng mga kapatid ko? parang sobra naman na ata yun. pinapagalitan ako pag nagpupuyat ako tuwing nag-aaral. pinapagalitan din naman ako pag hindi ako nag-aaral. pinapagalitan ako pag naglalakwatsa ako, pinapagalitan ako pag hindi ako gumagawa ng household chores. pag may nawala, may nasira, may natapon, may maling ginawa. ako palagi. minsan, iniisip ko, ako ang black sheep sa bahay. haay, at mukhang totoo naman yun.
wala akong kwentang kaibigan. kasi hindi ako marunong magsabi ng totoo, hindi ako marunong makiramdam sa mga iniisip ng ibang tao, hindi ako marunong magbalanse. dahil na rin siguro sa marami akong kakilala, at marami akong tinuturing na kaibigan, eh ang kaso, ako pa ang tinatawag na magnanakaw ng kaibigan. plastik din ako, paranoid, manhid at mapanghusga. kahit na ayaw kong maging mapag-isa, mas mas maayos pa siguro yun.
wala akong kwentang mag-alaga ng mga talento ko. kasi wala akong lakas ng loob na gamitin ito, dahil sa una palang, wala na akong tiwala sa sarili ko. lagi kong iniisip na lagi akong mali, na pangit lagi ang ginagawa ko. kaya kahit alam kong ginawa ko yung lahat ng makakaya ko para gawin yun, parang wala lang rin. minsan nga, sana nawalan na lang ako ng talento, hindi ko rin naman kasi magagamit.
wala akong kwentang tao. kasi ordinaryo lang naman ako eh. wala naman akong personalidad na makakapagpalingon sa mga tao, ugaling pang-huwaran, mga talentong hinahangaan, at isip na tinitingala ng iba. wala ako nun, at ayoko maging ganun.
masaya na akong maging ganito, kaso, sa tuwing iniisip ko na kailangan ko rin naman subukang magkaroon ng ganyan eh, lagi akong nagkakamali. kaya eto ako ngayon, natatakot sa mga dapat gawin kasi lagi kong inuunahan na papalpak. haay.
minsan, iniisip ko na lang na mas masarap matulog kesa sa magising. kasi mas masarap managinip kesa sa manatili sa katotohanan.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)
1 comment:
OMG!!
haha..huwag ka ngang mag-isip masyado na wala kang kwenta..
it's just natural that we commit mistakes towards other people to the point that we have offended them?? Wag ka masyadong mag self-pity, kasi hindi nakaktulong yan..haha..kung sino man nagsabi sayo na "walang kwenta" ka,,(although, alm ko kung sino yun??) let it pass nlang..haha..wla kang laban sa kanya eh..hehe.. am i ryt??
bsat pag my prob. dito lang ako,,ready to listen.
ferfer..
Post a Comment