hindi ko masasabing mayaman ako.
pero, the fact na nag-aaral ako sa isa sa mga magagandang pamantasan sa ating bansa, siyempre, katapat nito ay malaking pera.
kahit na meron kaming TV, computer, aircon, at kung ano-ano pang kagamitang pambahay, hindi ko pa rin masasabing mayaman kami.
lalong-lalo naman kung meron akong cellphone. eh lahat ng tao ngayon dito sa Pilipinas, may cellphone.
kahit nakakakain ako ng maayos, masasabi ko pa rin na wala akong pera. kasi sa hirap ng pera ngayon, pahirapan ng mag-ipon, pahirapan ng bumili ng kung ano-ano na gusto mo. kaya, ang mga magulang ko, grabe kung makapagtipid. oo, kahit na aalis kami ng bansa sa summer.
kanina, sa scl3 class namin, nanonood kami ng dalawang documentaries na talaga namang napakaganda ng pagkakagawa.
segue lang: kaya ata namin pinanood yun eh dahil yun ang example na binigay niya para sa docu's na gagawin rin namin. isa lang ang masasabi ko, wow!
anyway, these two documentaries tackled starvation, unemployement and illiteracy. sa madaling salita, kahirapan. nakakalungkot mang isipin, pero yun ang napanood ko sa mga documentaryo kanina.
marami akong naisip na kabagayan kanina. kung ang taong may-kaya ay nahihirapan na sa pagbili ng pagkain at pagkakaroon ng pera, dahil sa nagkakaroon na ng tanggalan ng trabaho at pagmamahal ng bilihin, paano pa kaya ang mga mahihirap, na hindi na nga kumikita ng malaki, wala pang nakakakain? pinalabas na rin kasi yung dokyu na yun dati, kaya medyo luma na ito. paano kaya nila nakakaya ang mahirap na buhay? sa totoo lang, nakaka-elibs sila, seryoso.
ang pangalawang dokyu naman ay tungkol sa tatlong bata, na, sabi nga ng dokyu, "hinubog ng tubig, pinaglalim ng dagat, at pinagtibay ng bawat paglalayag.."
si estoy, jameson, at jason, mga batang manghuhuli ng pusit. nakakatuwang masdan ang kanilang mga galaw sa ilalim ng tubig, naisip ko nga, sana pwede ko ring gawin yun. sa diskarte nilang manghuli ng pusit at sa lakas ng katawan na nilang lumangoy-langoy na buong hapon sa tubig.
pero, sa kabila ng kanilang "angking kakayahan", hindi rin sapat ang perang kinikita nila para matustusan ang kanilang pag-aaral.
habang pinapanood ko ang dokyung yun, naawa ako sa mga kanila, dahil kahit gusto nilang mag-aaral, wala rin silang pagkakataon, dahil wala silang pera. naisip ko rin na sa mura nilang edad, nagtratrabaho na sila, at kung titingnan mo pa, hindi biro ang trabaho nila.
pagkatapos ng aming klase, naisip ko, maswerte pa siguro ako.
dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-aral at makakain.
haay, masakit mang isipin, pero parte na ata ito ng siklo ng buhay.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)
No comments:
Post a Comment