Thursday, February 26, 2009

hindi ko kinaya.

hindi ko kinaya ang araw na to. maraming nangyari. na-dissapoint, natawa, natuwa, nalungkot, at naiyak.

sa bandang huli, ako rin ang talunan, ang luhaan, ang lumabas na mahina.

ang buhay nga naman. napakasaya.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Tuesday, February 24, 2009

frustrations.

frustrations ko.

marami.

sobra.

pagiging VP-internal.

pagiging Jr. PRO.

pagiging leader.

pagiging isa sa main cast.

pagbabalanse ng oras.

pagcram.

pagmememorize.

pagmaintain ng grades.

at siyempre.

pagiging masaya.

haay.

gusto ko.

nang dumating.

ang summer.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.

Sunday, February 22, 2009

pahinga.

pahinga, yan ang lagi kong hinahanap, mula ng namulat ako sa tunay kong pwesto sa mundong ito. at siguro kailangan ko na nga talaga magpahinga, dahil pagod na ako. pagod sa mga gawaing tao. magpapahinga muna ako, para sa kapayaang hinahanap ko..

Thursday, February 19, 2009

remembering those days.

i really had so many happy times these past few days, and i really cherished those moments, even if and even when they were just temporary, at least, i still had memorable times to remember.

nagkaroon na araw na marami akong nakain. i called it a food trip day. nakakain ako ng luncheon meat, carbonara, ice cream, otap, kwek-kwek, watermelon, fries, grilled pusit, sisig, kare-kare tapos uminom ng pop, rc cola, iced tea at isang margarita. oh diba? kakaibang food trip, buti nga hindi ako nasuka nung araw na yun, pero it was fun. partida, hindi pa ako bumigat. haha!

nagkaroon din ng araw ng triumph. una, dahil pumasa ako sa stat exam ko, pangalawa, dahil pumasa ako sa RC paper ko. ang saya diba? hindi lang yan, hindi lang basta-basta pumasa, mataas pa! actually, hindi ko naman ineexpect na kaya kong gawin yun. siguro kailangan lang ng konting focus. wooh!

nagkaroon din ng araw na lahat ng gusto kong makita eh nakikita ko. napakasaya kaya nun, at nakakakilig din, siyempre! haha. mga pampakulay ng buhay, hindi dull, hindi boring. sana maulit muli, haha!

masaya din ang araw kasama ang mga kaklase ko at mga chorale-mates ko, siyempre! mga kaibigan ko sila eh. yung mga araw na kasama ko sila sa tinoko, at ang chorale naman, habang kumakanta kami at nagliliwaliw kung saan-saan, masaya kami. i love my blockmates and my choralemates. love them! super!

and of course, mawawala ba naman yung bonding ko with my family, haay. i felt nostalgic, remembering those days na sobrang buo pa kaming pamilya. simula nung nag-iba yung environment namin, nag-iba na rin kami. oo, kahit ako. masaya ayun, kasama pa yung mga gf's nung mga kapatid ko. (ako lang walang gf. masaya parin.)

remembering those days brings back the memories, of course. i will treasure them, i will never forget them.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Tuesday, February 10, 2009

maswerte pa nga siguro ako.

hindi ko masasabing mayaman ako.

pero, the fact na nag-aaral ako sa isa sa mga magagandang pamantasan sa ating bansa, siyempre, katapat nito ay malaking pera.

kahit na meron kaming TV, computer, aircon, at kung ano-ano pang kagamitang pambahay, hindi ko pa rin masasabing mayaman kami.

lalong-lalo naman kung meron akong cellphone. eh lahat ng tao ngayon dito sa Pilipinas, may cellphone.

kahit nakakakain ako ng maayos, masasabi ko pa rin na wala akong pera. kasi sa hirap ng pera ngayon, pahirapan ng mag-ipon, pahirapan ng bumili ng kung ano-ano na gusto mo. kaya, ang mga magulang ko, grabe kung makapagtipid. oo, kahit na aalis kami ng bansa sa summer.

kanina, sa scl3 class namin, nanonood kami ng dalawang documentaries na talaga namang napakaganda ng pagkakagawa.

segue lang: kaya ata namin pinanood yun eh dahil yun ang example na binigay niya para sa docu's na gagawin rin namin. isa lang ang masasabi ko, wow!

anyway, these two documentaries tackled starvation, unemployement and illiteracy. sa madaling salita, kahirapan. nakakalungkot mang isipin, pero yun ang napanood ko sa mga documentaryo kanina.

marami akong naisip na kabagayan kanina. kung ang taong may-kaya ay nahihirapan na sa pagbili ng pagkain at pagkakaroon ng pera, dahil sa nagkakaroon na ng tanggalan ng trabaho at pagmamahal ng bilihin, paano pa kaya ang mga mahihirap, na hindi na nga kumikita ng malaki, wala pang nakakakain? pinalabas na rin kasi yung dokyu na yun dati, kaya medyo luma na ito. paano kaya nila nakakaya ang mahirap na buhay? sa totoo lang, nakaka-elibs sila, seryoso.

ang pangalawang dokyu naman ay tungkol sa tatlong bata, na, sabi nga ng dokyu, "hinubog ng tubig, pinaglalim ng dagat, at pinagtibay ng bawat paglalayag.."

si estoy, jameson, at jason, mga batang manghuhuli ng pusit. nakakatuwang masdan ang kanilang mga galaw sa ilalim ng tubig, naisip ko nga, sana pwede ko ring gawin yun. sa diskarte nilang manghuli ng pusit at sa lakas ng katawan na nilang lumangoy-langoy na buong hapon sa tubig.

pero, sa kabila ng kanilang "angking kakayahan", hindi rin sapat ang perang kinikita nila para matustusan ang kanilang pag-aaral.

habang pinapanood ko ang dokyung yun, naawa ako sa mga kanila, dahil kahit gusto nilang mag-aaral, wala rin silang pagkakataon, dahil wala silang pera. naisip ko rin na sa mura nilang edad, nagtratrabaho na sila, at kung titingnan mo pa, hindi biro ang trabaho nila.

pagkatapos ng aming klase, naisip ko, maswerte pa siguro ako.

dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-aral at makakain.

haay, masakit mang isipin, pero parte na ata ito ng siklo ng buhay.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

matulog na lang tayo.

minsan, iniisip ko na lang na mas masarap matulog kaysa sa magising, at parang sinabi mo na ring mas masarap managinip kaysa sa makita ang katotohanang bumabalot sa mundong ito. kung sa bagay, lahat naman ng katotohanan ay nanggagaling sa panaginip.

Saturday, February 7, 2009

things to do. haay.

i have been really thinking of my school works.

and it really bugs me out that it has been compiled to much that my time has been eaten.

meaning, i don't have enough time to these things, and it's hard to catch deadlines.

so here are the things i need to do:

- quiz on statistics (which i have never pass, since the start of the sem..)

- quiz on philippine history

- revise the final paper on social teachings (but the draft was not returned yet..)
do a documentary regarding the paper (which we haven't planned yet. shet.)
prepare for a quiz on justice.

- answer the take-home quiz in RC, read "Rizal breaks with Del Pilar" and do the report on Rizal Cults.

- quiz on biology

and

- do an oral report about Lecture Forum on Oral Communication, and prepare for a musical play (we'll use HSM 1, and i will play Ryan. shet.)

there, these are the things that i should finish before the end of the week. but then again, some of my school works there are still be passed on march, yet it needs extensive attention.

wooh, ganito na pala kahirap ang Asian Studies ano? haay, pag natapos talaga tong school year na ito na wala akong bagsak, magpapainom talaga ako!

haay. nagpalabas lang ng tension.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Thursday, February 5, 2009

wala akong kwenta.

wala akong kwenta.

masakit mang isipin, wala akong kwenta. marami na rin kasi akong nagawa, sa tana ng buhay ko, na sobra-sobra sa sama at grabe kung makasakit ng damdamin ng ibang tao. kung hindi naman ganun, nakulangan naman ako ng kabutihang loob para gawin ang dapat gawin. oh diba? nagagawa ko ang dalawang magkaibang apseto sa pagturing sa mga buhay. ang saya. napakasaya.

wala akong kwentang mag-aaral. siyempre, dahil hindi ako nag-aaral. may dalawa na akong bagsak, at feeling ko madadagdagan pa iyon. kahit na sinabi nilang kaya ko pa yun bawiin, the fact na sinabi niya na bagsak ka, bagsak ka. masakit mang malaman, pero iyon ang katotohanan. kailangan ko na lang bumawi. siguro, ang dahilan nito ay ang pagiging waldas ko sa oras, at pagiging kampante sa pagka-cramming. at mukhang nakalimutan ko na ang pagpaprioritize sa mga dapat kong gawin. first time kong bumagsak sa math at PE, seryoso. first time ko lang talaga.

wala akong kwentang miyembro ng pamilya. haay, ako na lang kasi ang laging napapagalitan sa bahay. okay fine, hindi naman ako perpekto, pero sa akin ibaling lahat ng mali, na dapat eh mali ng mga kapatid ko? parang sobra naman na ata yun. pinapagalitan ako pag nagpupuyat ako tuwing nag-aaral. pinapagalitan din naman ako pag hindi ako nag-aaral. pinapagalitan ako pag naglalakwatsa ako, pinapagalitan ako pag hindi ako gumagawa ng household chores. pag may nawala, may nasira, may natapon, may maling ginawa. ako palagi. minsan, iniisip ko, ako ang black sheep sa bahay. haay, at mukhang totoo naman yun.

wala akong kwentang kaibigan. kasi hindi ako marunong magsabi ng totoo, hindi ako marunong makiramdam sa mga iniisip ng ibang tao, hindi ako marunong magbalanse. dahil na rin siguro sa marami akong kakilala, at marami akong tinuturing na kaibigan, eh ang kaso, ako pa ang tinatawag na magnanakaw ng kaibigan. plastik din ako, paranoid, manhid at mapanghusga. kahit na ayaw kong maging mapag-isa, mas mas maayos pa siguro yun.

wala akong kwentang mag-alaga ng mga talento ko. kasi wala akong lakas ng loob na gamitin ito, dahil sa una palang, wala na akong tiwala sa sarili ko. lagi kong iniisip na lagi akong mali, na pangit lagi ang ginagawa ko. kaya kahit alam kong ginawa ko yung lahat ng makakaya ko para gawin yun, parang wala lang rin. minsan nga, sana nawalan na lang ako ng talento, hindi ko rin naman kasi magagamit.

wala akong kwentang tao. kasi ordinaryo lang naman ako eh. wala naman akong personalidad na makakapagpalingon sa mga tao, ugaling pang-huwaran, mga talentong hinahangaan, at isip na tinitingala ng iba. wala ako nun, at ayoko maging ganun.

masaya na akong maging ganito, kaso, sa tuwing iniisip ko na kailangan ko rin naman subukang magkaroon ng ganyan eh, lagi akong nagkakamali. kaya eto ako ngayon, natatakot sa mga dapat gawin kasi lagi kong inuunahan na papalpak. haay.

minsan, iniisip ko na lang na mas masarap matulog kesa sa magising. kasi mas masarap managinip kesa sa manatili sa katotohanan.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Tuesday, February 3, 2009

paano kung?

paano kung bigla akong nasagasaan?

paano kung bigla akong sinasaksak?

paano kung bigla akong binaril?

paano kung bigla akong ninakawan?

paano kung nagkaroon ako ng malubhang karamdaman?

paano kung bigla akong bumagsak sa isang subject?

paano kung biglang nagalit sakin mga kaibigan ko?

paano kung biglang nagalit sakin pamilya ko?

paano kung bigla akong iniwan ng mahal ko sa buhay?

paano kung namatayan ako?

paano kung hindi ako pinagbigyan?

paano kung hindi ako pinatawad?

paano kung wala ng akong pag-asa?

paano kung wala ng akong pagpipilian?

paano kung wala na akong magagawa?

paano kung ganun na lang talaga ako?

paano kung hanggang dun na lang ako?

paano kung pinagkaisahan ako?

paano kung niloko ako?

paano kung ginamit lang ako?

paano kung nangyari tong lahat sakin?

ano kaya ang magagawa ko? ano kaya?