Sunday, November 30, 2008

nakakapagtaka.

"nakakapagtaka pag sinasabi mong hindi ka nakapag-aral, tapos biglang pumasa ka pala, o kaya'y minsan, ikaw pa ang may pinakamataas na marka.."

"nakakapagtaka pag sinasabi mong alam mo yung bagay na yun, pero pag tinanong ka, hindi mo masagot.."

"nakakapagtaka kapag sinabi mong hindi mo kayang gawin yung bagay na yun, pero sobrang galing mo pag ginawa mo.."

"nakakapagtaka kapag sinabi ng magulang mo na mag-aral ka, pag nagpupuyat ka sa pag nag-aaral, nagagalit sila.."

"nakakapagtaka kapag nag-eexpect ka, hind iyon yung nangyayari, pero pag hindi ka naman nag-expect, bigla namang nangyayari.."

"nakakapagtaka pag minsan sinabi mo na kaya mo pa, yun pala hindi na."

"nakakapagtaka pag sinabi mo joke, yun pala totoo na.."

"nakakapagtaka pag sinabi ng mga guro na wag maingay, nagagalit din sila pag tahimik.."

"nakakapagtaka pag cute sa tingin mo, yun pala hindi talaga.."

"nakakapagtaka pag nagpromise ka, hindi mo natutupad.."

"nakakapagtaka pag tinatamad o ginaganahan ka, biglang magiging baliktad yung feeling mo.."

"nakakapagtaka pag nakita mong magaling yung tao, iisipin mo na magaling na siya sa lahat ng bagay.."

"nakakapagtaka na meron mga taong hindi nagtataka sa mga nangyayari sa ating mundo at nakikisabay at hindi na lang nangengealam sa daloy ng buhay.."

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Saturday, November 29, 2008

reflections.

so many things had happened this past few week. i didn't really know what to do, because it was really frustrating coping up with these things that i actually do easily. nevertheless, i still struggled. i still failed to do what should be done. i forgot what was right, and i was patronizing what was wrong.

i was really expecting that that week would be really great. i guess, it was not.

unang pagkakamali: hindi ko sineseryoso ang pagiging lider ko. oo, napilitan akong maging team captain sa PE ko. dahil iniisip ko na hindi ko kaya, na ayoko kong gampanan ang responsibilidad ko, napabayaan ko ang dapat hindi mapabayaan. wala lang siguro akong leadership factor dahil wala talaga akong alam sa pagiging leader, ni kahit nga maging presidente ng isang klase ayoko eh, maging team captain pa kaya?

pangalawang pagkakamali: masyado akong naging kampante sa mga kaya kong gawin. oo, kaya ko nga mag-cram, kaya ko nga magsulat, kaya kong mag-aral. pero hindi ko iyon nagamit sa tamang pamamaraan. masyado akong umasa sa mga kakayanan ko, na hindi ko na naiisip ang kalagayan ko. ngayon ko lang nalaman na kailangan ko rin ng pahinga, at kailangan ko rin talaga ng panahon para sa sarili para makahugot ulit ng lakas at resistensya sa mga hamon na ibabato ng mundo sakin. kaso, hindi ko iyon naisip kaagad, hindi ko iyon naalala kaagad.

pangatlong pagkakamali: nagiging waldas na ako sa pera, pineperahan ko na ang mga magulang ko para lang maka-extra gastos ako sa school. pero, sa totoo lang, kailangan ko talaga ng additional allowance. unang-una sa lahat, andami ko ng pinapa-photocopy para sa aking pag-aaral. yung ibang binibigay, at yung ibang niriresearch ko. kumakain pa ako, bumibili ng mga kailangan sa school at kung anu-ano pa. gustuhin ko man magtipid, wala rin, kasi sa sobrang hirap ko, at sa sobrang daming binabayaran, wala rin. kung papayag lang sana mga magulang ko eh, kaso, ayaw nila.

"learn from your mistakes", ika nga ng iba. and i guess i have learned a lot.

i hope that this week would be brighter than last week.

mistakes will be the pathway on achieving your goal. at the same time, it could also be your downfall.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Thursday, November 27, 2008

akala.

"akala ko, yung langit, yun na yung universe na pinaliligiran ng mga bituin.."

"akala ko, pag naghalikan ang babae't lalaki, may baby ng mabubuo.."

"akala ko, babae ako.."

"akala ko, magaling ako sa maraming bagay.."

"akala ko, madali lang mag-aral.."

"akala ko, ayoko ng math.."

"akala ko, hindi matutong mapuyat at hindi matulog.."

"akala ko, lagnat lang ang sakit ko.."

"akala ko, hindi ako matututong uminom at gumimick.."

"akala ko, marami akong pera.."

"akala ko, magaling akong leader.."

"akala ko, madali lang pumasa sa UP, ADMU, UST, at DLSU.."

"akala ko, nakakabagot mag-research.."

"akala ko, hindi ako marunong mag-labas ng ideya't saloobin ko.."

"akala ko, hindi ko maoopen sa mga kaibigan ko ang tunay kong kulay.."

"akala ko, hindi ako magkakaroon ng friendster at multiply.."

"akala ko, hindi ako matututong mag-computer.."

"akala ko, hindi ako masisiyahan mag-blog.."

"akala ko, wala akong kaibigan.."

"akala ko, wala akong kwenta.."

"akala ko, masaya ang buhay, hindi pala."

"akala ko, ako lang ang may maling akala sa mundong ito.."

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Sunday, November 23, 2008

i am officially stressed.


yeah. i have been officially stressed.

as you can see in the picture, nagiging geek na ako.

nagiging geek sa kakabasa ng mga handouts, kakaresearch ng mga dapat iresearch, kakamemorize ng kung ano-ano, kaka-analyze at kakacriticize ng mga bagay-bagay sa paligid.

and yeah, dahil isang student teacher na rin ako, idagdag na rin natin ang kakaisip sa pwedeng leksyon para sa mga batang tuturuan ko.

nakakapagod, nakakastress.

pero, ano ba ang dapat kong ikalungkot? mabuti nga't marami akong ginawa. i am not keeping myself lazy, and keeping myself from being idle. and it is a good thing. kaso, sa sobrang daming dapat gawin, parang wala na akong time makapag-saya.

haay, sana nga lang pwede pang gawan yun ng paraan, sana.

ayoko naman mag-hiatus, kasi eto na nga lang ang pwedeng kong pag labasan ng stress ko, idedeprive ko pa ang sarili ko, wag na lang.

i guess, all i need is time management.

OH WELL. good luck sa semestreng ito.

sa ngayon, matutuwa muna ako sa mga pimples at eyebags na pinagpupuyatan ko dahil sa pag-aaral.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Sunday, November 16, 2008

i am but a crammer.

oh yeaah.

this has been my profession. a crammer.

a certified professional crammer.

ewan ko ba, sanay na sanay akong maghabol at maging hapit sa oras, para kasing mas alert yung utak ko kapag nagcra-cram ako, which is a good thing, for me. at least alam kong may utak, and i laso know what to do. at kahit nagcra-cram ako, madali kong natatapos. steady lang. pwede pang pumetix-petix.

dahil dyan..

parang naging advantage na rin sa part ko ang maging crammer.

kasi, pwede akong mag-singit ng ibang bagay na gusto kong gawin kesa sa mga mas importante. then, i would still be able to finish those important things by the time they are needed. minsan nga lang, panget ang nagiging resulta, dahil minadali lang. but then again, doing it everytime makes you harness it.

at yun ang nangyari sa akin.

kaya ko ng tumapos ng mga papel at reports sa mismong araw na kailangan ito, kaya ko na ring magbasa ng mabilisan, and others.

pero, looking at the darker side of the world..

you will never know how to prioritze important things, kasi you always think of the useless things before everything else.

returning back to the brighter side of the world, i still know how to prioritize.

and hindi pa naman ako masyadong obsessed mag-cram.

oh well, i still have things to do for tomorrow..

uh-huh, cramming time!

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Wednesday, November 5, 2008

hello 2nd sem. (the first 2 days.)

oh well, can't get over pa rin ako sa sembreak. bitin na bitin ako.

anyway, my classes started yesterday. yeah, it was fun, had great profs (i guess?), and probably a great semester ahead of me, and of my blockmates, too.

so here's what happened.

my first day was last tuesday. i started my day attending my first subject, PE (advanced volleyball). my classmates were all boys, and homos, of course. HAHA. then, i were waiting for my other classmates, and knowing some names, too, someone in PE uniform came approaching to our class. i was laughing when i saw his hairdo. when he raised his head, i saw his face. and i just said, "classmate ko siya last sem sa PE.." to my surprise, he was my crush!

takte! hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi crush ko yun, tapos. waaah, natataranta ako nung mga oras na yun. eto pa, nagpapatayo kasi yung prof namin ng mga vball players. he first called the ones who were varsity players on their HS days. then he called the ones who were intrams players. i raised my hand, thinking that it was 'intrams player nung HS'. pero mali ako. intrams player, meaning varsity player ng college/faculty. HINDI AKO INTRAMS PLAYER! pero, anong magagawa ko, nakatayo na ako, ayokong mapahiya. pinanindigan ko na lang yung ginawa ko. dahil dun, naging captain ball ako ng grupo namin. ang masama pa, kagrupo ko yung crush ko! shet! hindi ko alam kung anong gulo ang pinasok ko. good luck sa akin. WAAAH!

let's go with my regular schedule.

my first subject during my MWF sched is math600A(statistics). medyo nakakatakot nga tong subject na ito. natatakot din ako sa prof na magtuturo nitong subject na ito. magaling naman siya eh, kaso, sa itsura and the way she orients us, medyo nakakatakot. hope we survive this subject.

our 2nd subject for the MWF sched would be rational psychology. okay lang naman tong subject na ito. sana nga lang maging masaya tong subject na ito. feeling ko naman masaya siya eh. and besides, it is a philosophy subject, i might find it fun and a great subject.

the third subject is our major west asia/southwest asia and the middle east. our professor as our history prof last sem. i will expect what has happened to us, and to me last sem. i had fun having her as our prof, hope this time, too. lalo na't major na ang tinuturo niya.

our last subject is philippine history. our prof was our prof on our major last sem. and yeah, mas mukha siyang masaya magturo sa tagalog kaysa sa english. i am enjoying having as our phil.hist. prof. at sana, hindi na rin mababa grade ko sa kanya.

on our TTH sched, my first subject is social teachings of the church, or scl3. okay lang naman yung subject. okay na okay lang talaga. magaling naman yung prof, at may natututunan naman ako, okay na xia. basta, sana hindi siya ganun kahirap magpa-exam.

my 2nd subject is RC, at nagbabalik ang professor naming sobrang strikto nung first year, first sem. pero, this time, she tends to be nice with us, and of course, tends to be funny, too. nakakatuwa yung mga kwento niya tungkol sa mga pilipino. kung anuman iyong mga kalokohang yun, secret na lang. HAHA. basta, i am hoping that ill pass this subject. sana sana sana.

my third subject is biological science! yes, my favorite subject. at ang prof namin, masaya din. dahil mabait siya, at feeling ko, magiging masaya ang klase sa tuwing magtuturo siya. sobra. i soo love her, to the highest level!

and my last subject for this subject, oral communication. isa ring napakasayang subject para tapusin ang aking TTH sched. sana nga lang hindi maging mababa ang grade ko sa kanya, dahil mababa daw siya magbigay ng grade. oh well, good luck.

and soo, that was my first two days of 2nd sem. sana maging maganda ang kahinatnan ng semestreng ito. sana talaga.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)