"effortless action"
yan ang naiisip ko, kung meron kang talento na kayang gawin ng walang pag-aalinlangan. 'effortless' ika nga, walang force na kailangan.
example, mga matatalino. siyempre, kahit walang effort sa pag-aaral, pumapasa pa rin. minsan, ang taas pa ng grades. wala pang aral yun ah.
ako, honestly, hindi ko kayang gawin yun. kasi kailangan ko pa rin mag-sipag para lang pumasa, kung meron man akong stock knowledge na tinatawag, galing rin yun sa pagsisipag ko, at hindi yun katalinuhan. hindi xia effortless.
effortless action.
lagi ko tong naiisip. kasi pwede natin tong gawin kahit hindi natin xia talento. hindi mo lang iisipin na hindi siya mahirap dahil kaya mo. ang iisipin mo rin na hindi siya mahirap dahil gusto mo. pwede tong i-apply sa lahat ng bagay.
sa pag-aaral. ako, hindi naman kailangan maging magaling ka mag-aral eh. basta meron kang drive mag-aral at gusto mong maattain yung goals mo, magagawa mo naman yun eh. tulad na lamang ng nangyari sa akin. lagi ko lang iniisip na papasa ako. na mag-eeffort ako na pumasa lang, hindi makakuha ng mataas na grades. ngayon, ginusto ko magkaroon ng magandang grades, kaya i efforted.
but then again, you worked hard for it. ang ibig sabihin, ang effort hindi pumapasok sa paggawa nito, kung hindi sa pag-iisip mo sa isang gawain.
pumapasok ito sa isip ko sa tuwing naiisip ko ang charitable works, kahit yung simpleng pagbibigay lang ng piso sa isang matanda, nahihirapan tayong gawin. honestly, again, i am one of those people na nahihirapan magbigay na limos sa mga taong humihingi nito.
kasi lagi tayong napapangunahan ng mga iniisip natin sa mga gusto nating gawin.
it is obviously an effortless action. hindi kailangan ng utak, ang kailangan ay puso mo sa paggawa nito.
effortless action.
hindi lahat ng tao meron nito, kasi lagi nilang iniisip na lahat ng bagay ay mahirap.
kailan kaya malalaman na may mga bagay ring madaling gawin sa buhay?
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
No comments:
Post a Comment