hahaha. eto na naman tayo.
gusto ko siya gawan ng post kasi ayoko nang isipin. para tapos na. kasi, lagi ko na ring naiisip yung mga bagay-bagay na tungkol sa kanya, pero hindi naman nagiging totoo, at never magiging totoo kasi hindi posible. alam niyo naman na kung bakit di pwede, di posible, kahit na pumuti ang uwak, at kahit na mamatay ako ngayon.
yung malupit kasi dun, kaklase ko siya. lagi kong nakikita. minsan, nakakausap. lagi kong nakikita.
nung unang taon naming maging magkaklase hindi ko naman siya laging kinakausap eh. kasi hindi rin naman siya mahilig makipag-usap. oo, sobrang dalang lang naming makipag-usap. isa pa, straight siya. iba ako. SO. dun palang, di na siguro pwede. hahaha.
pagdating sa ikalawang taon, medyo nagkakausap na kami. nagkaroon siya ng girlfriend nun. medyo nakakausap ko yung girlfriend niya. hoho. isa rin kasi ako sa mga nakahalata na may something sa kanilang dalawa, totoo naman hinala ko. anyway. ayun. naging medyo kausap ko siya nung nagkaroon ng isang educational trip para sa isang klase. naging kasama ko sa kwarto yung mga lalaki, including him. nung araw na yun, nagsimula kaming mag-usap? not so. pero, oo. nakausap ko siya nun.
tapos yun. medyo sumasama-sama na ako sa kanya, tsaka sa mga kaibigan niya. hindi pa nga ako nagkaroon ng gusto sa kanya nung una eh. dun pa sa best friend niya. takte. ang laki kong eklat.
pagdating ng 3rd year, yun. nakakausap ko na. nakakasabay ko na rin umuwi, at mas nakakausap lalo. wala pa rin akong feelings for him nun, dun pa rin sa friend niya. haha. hindi ko alam kung yung friendship namin was that deep, kasi nakakapag-open na siya ng mga problema niya. nakainuman ko na din. pero, not so much clingy to him ang drama ko. kasi, di ko rin naman siya palaging nakakasama. paminsan-minsan lang. ayun. pero may times din na hindi ko talaga siya napapansin. haha. pag nandyan lang yung best friend niyang crush, saka ko lang siya nilalapitan.
pero, pagdating ng 4th year, hindi naman nag-sink in sakin kaagad, pero oo, madalas na kaming magkasama. magkatabi sa classroom, makasabay sa lunch, tumambay, uminom, at umuwi. oo. aaminin ko, cute siya. hindi ko alam kung naging close nga kami talaga kasi feeling ko rin naman kaibigang normal lang tingin nun sakin. pero, may kaklase kasi kami na parehang nagshe-share ng sama ng loob samin. kaya ayun. edi yun. at that time, di ko naiisip yung best friend ng kaibigan ko. pero natutuwa talaga ako pag nakakausap ko siya. eh kaklase ko eh. ngayong year ko naging ka-close yung mga kaklase kong lalaki, lilima na nga lang kami, dalawa pa ang sumabit. yeah, isa ako sa dalawa.
lagi ko nalang iniisip na hindi maaari. kasi di kami talo, kahit san man tingnan. pero, dahil sa isang hula, na meron daw siyang gusto sakin pero dahil may problema, eh medyo napaisip na naman ako. hindi ako natuwa. kasi hindi rin naman ako pwedeng maniwala kaagad, feeler ko naman.
and wala talaga. siguro kaibigan lang. kasi simula nung bata pa siya, puro lalaki na kasama niya and yeah. buti hindi siya natuluyan. or whatchamacallit.
ngayon. masaya akong kaibigan ko siya. oo. masaya naman siyang kasama eh. pero, pag nalaman na niya ang mga ka-eklatan ko para sa kanya baboo na ang lola niyo. magagalit lang yun. at. oo. sana. maging masaya siya, tulad ng paano niya ako napapasaya pag napapatingin ako sa kanya.
(LOL. oo, minsan pahalata din ako eh. sorry naman. my bad.)
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
1 comment:
I dont know if the first comment appeared, haha!
WOW! Love the new layout ate! Clean and elegant!
I wasnt expecting to read such post, hehe, but I'm glad you finally made a post about the person, it's good to somehow let things out, keep writing, I'll read :)
Post a Comment