eeeh. this is a mushy post. :)
siyempre lagi akong natutuwa pag nakikita at nakakausap ko ang mga crush ko.
siyempre, pag naging crush ko, nagiging kaibigan ko. (friendly or flirty?) hahaha!
pero hanggang dun lang. hindi naman ako umaasa sa mas malalim pang relasyon sa kanila. mas okay nang kaibigan lang, tapos nakakausap ko ng kung ano-ano, tapos nakakabonding ko. diba ang saya? :))
marami akong crushes. lalo na sa school. nangongolekta kasi ako. hahaha. kaya pag minsan pag nakita ko yung isa kong crush, tapos nakakita pa ulit ako ng isa, ay grabe, what is heaven ang drama ko.
pero may mga crushes din akong hindi nagiging kaibigan. minsan mga basketball players, mga artista, yung mga hindi na ma-reach ng ordinary powers ko.
HAHAHAHA. ewan ko ba. ang sarap ng feeling pag crush mo lang.
kasi, lagi kang natutuwa, kikiligin ka talaga, maiisip mo na gusto mo. parang ang lakas ng dating sa'yo. pero pag minahal mo na, wala na. magkakagulo na.
eeeeh. basta ganun. masarap magka-crush, masakit magmahal.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
No comments:
Post a Comment