this word means remembering a certain event and how it played a part on a another event after the first event
and that would really be a good notion. since maraming mga factors and or events na salarin o naging pagtulong para magawa ang isa pang event na nagkaroon din ng epekto sa kapaligiran, sa komunidad o sa buong mundo.
siyempre, tayo, meron din tayong tendency na alalahanin ang mga bagay-bagay na binago natin at tinanggal sa ating sarili, at kung ano naman ang dinagdag natin para sa ikakaunlad ng ating personalidad.
tinitingnan rin natin minsan ang ginawa nating nagmarka sa atin, at hinding-hindi natin malilimutan. mga pagkakamali, mga katuwaan, mga kaligayahan at kung ano-ano pa.
masarap naman balikan ang mga bagay na yun, pangit man o maganda.
at dahil sa mga alaalang yun, ito ang naging karanasan na naramdaman at nalagpasan mo, na siyang humubog kung ano ka ngayon.
sabi nga nila, ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa pupuntahan.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)
No comments:
Post a Comment