Wednesday, April 8, 2009

mascot.

minsan ba, naisip mong maging mascot?

magsusuot ka ng mabigat at mainit sa costume. magpapakita sa mga birthday parties, basketball games, and other events na kailangan ng mascot. magpapasaya ng mga taong kailangan ng saya.

pero, paano naman ang tao sa loob ng mainit at mabigat na costume?

minsan ba, naisip mong madali lang maging mascot? sa tingin ko, hindi.

mahirap maging mascot. mabigat man at mainit ang costume, kailangan mo paring magpasaya ng mga tao. kailangan magmukha kang masaya. kailangan mong maging galawgaw at maging energetic, kahit sa totoo lang, hirap na hirap ka na.

parang buhay lang yun, diba?

mahirap magsurvive sa mundong ito. maraming dapat daanan, maraming dapat bunuin na bigas. pero, kahit papaano, dapat magmukha ka paring matatag sa hirap man o ginhawa.

nakaka-elibs ang mga mascot diba?

sanay sa hirap at saya.

eh, ang ibang tao kaya?

mahirap man ang buhay, kailangan parin nating maging masaya. kailangan ituloy ang gulong ng buhay.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

1 comment:

Seeker Cyrus said...

"nakaka-elibs ang mga mascot diba?

sanay sa hirap at saya." - by kloniklah

para sa akin kasi, kalahati oo, pero kalahati din hindi... ang mga tao sa mascot kasi nagtatago sa ibang mukha... nagpapanggap sa ibang katauhan... sa bandang huli mapapaisip ka kung nagpapakatotoo pa ba yung taong nakatago dun, o yung karakter lang mismo ng mascot yung totoo...;)

pasalubong ulit ha...hahaha