Friday, March 27, 2009

stereotyping.

i have been a victim of stereotyping. of course, every person has been stereotyped. yung mga tipong, "akala ko, masungit ka", or yung mga tipong 'snobbish', 'mukhang mayaman', 'jologs' and everything similar to that.

nangyari na rin sakin yun, yung mga 'first impressions' ba. kaso yung mga naiisip ko, iba eh. it is not related to a personality of someone.

sabi ng mga kaibigan ko, kahit ng mga kaklase ko,ang cute ng sulat ko, kasi, pang-doktor daw. hindi daw kasi maintindihan, parang kinahig ng sampung manok. nung kumuha ako ng entrance exams para sa college, i tried applying for BS Biology, since gusto ko rin naman mag-doktor. unfortunately, i failed. i guess, napaniwala ako ng stereotyping.

dahil rin naman, bakla ako, maraming nagsasabing magiging beautician, manicurista or something na nirerelate nila sa pagkabading daw ako. eh, kahit mawalan siguro ako ng trabaho, hindi ko susubukang kumuha ng ganung trabaho. iba pa siguro. basta hindi lang yun.

Filipino-style of stereotyping. meron ding stereotyping sa Pilipinas, halos lahat naman ata ng tao, nagstistreotype din ng ibang tao.

kahit ang corruption at prostitution, nagkakaroon na rin ng stereotyping. sa corruption, basta may kapangyarihan, aba, corrupt na daw. kahit na hindi naman talaga alam ng mga tao ang totoong nangyari, hala sige, iniisip pa rin nilang corrupt ang mga may kapangyarihan. hindi naman lahat ng may kapangyarihan, corrupt.

at kahit rin sa prostitution, may stereotyping. basta mukhang pok-pok, pok-pok na! minsan nga, kahit nakita lang ang babaeng lumalabas ng gabi, aba, pok-pok na! haay naku.

stereotyping. hindi ko rin alam kung bakit ito naimbento, kung bakit ito naging laganap sa ating mundo.

minsan, naiisip ko, tayo-tayo rin naman ang nagpapalaganap ng stereotyping eh.

tingnan mo na lamang ang pelikulang "High School Musical", aba, kitang-kita sa movie nato ang stereotyping sa eskwelahan. dapat lahat ng cheerleaders, kikay at maarte. lahat ng basketball players, basketball lang ang iniisip, maskulado at hayok magpractice palagi.

dito naman sa Pilipinas, pag nag-aaral ka sa mga sosyaling pamantasan, tulad ng mga gumagamit ng pana, at mga nag-aalaga ng agila, aba'y bongga kung makapag-ingles. kung isa ka namang iskolar, pinaniniwalaang matalino ka. at kung alagad ka naman ni santo tomas, wala lang. pinaghalo-halo ng tatlo. haha!

stereotyping. lahat naman ata ng tao, ay biktima, at produkto ng stereotyping.

napapaniwala tayo sa mga sinasabi ng tao, dahil pinaniniwalaan natin, nagiging totoo. at dahil nagiging totoo, ginagawa rin natin, at pinapagawa pa natin sa iba.

stereotyping. ito ang nagpapaikot ng ating mundo. ito ang nagpapaexcite sa ating buhay.

minsan, kailangan nating bigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay. pero, minsan, nagiging masama ito dahil sa nagiging basehan na ito ng ating mga pinaniniwalaan..

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Friday, March 20, 2009

a rant.

-medyo personalan ito. kaya naman, wala lang. haha!

"puyat na naman ako. pagkatapos ng isang linggong hindi pagpupuyat, at isang araw na buong oras akong tulog. ito na naman ako, mulat pa rin ang mata, nakatutok sa harap ng computer, at nag-iisip ng mga gusto at kailangang gawin.

nakakatawa lang kanina, nag-aaral kasi ako, kasabay kong magpuyat yung kapatid kong umiinom ng gran matador..sa hindi ko malamang dahilan, nagkwentuhan kami. pinag-usapan namin yung course ko, AB Asian Studies. Dapat nga raw, nag-HRM na lang ako. sabi ko, magkaiba naman yun eh. natunganga na lang siya, naglaro ng poker sa computer. habang ako naman, nag-aaral ng exams ko mamaya.

ngayon lang ulit ako hindi natulog, medyo bumabagsak na nga yung mata ko sa antok. literal, lalaki na naman ang eyebags ko, mahihilo ako mamaya, at maloloka sa pagsagot. haay.

minsan, hindi ko kinakaya ang mga ginagawa ko ngayon.

una, hindi ko na kayang mag-aral. seryoso. pinipilit ko na nga lang ata sarili kong mag-aral, para lang maipakita ko kung ano ang meron ako. yun lang. hindi na ako nag-aaral dahil gusto ko. nag-aaral na lang ako dahil kailangan. hindi na ako nag-aaral para sa sarili ko.

pangalawa, mahirap pala maging miyembro ng kahit anong grupo. kailangan commited ka sa lahat ng kailangan gawin, lahat gagawin mo para lang ma-satisfy mo yung gusto ng ibang taong nakakakita sayo. eh pano kung hindi ko talaga kaya? hanggang dun lang yung kaya ko? sana hindi na lang nila ako tinaggap diba?

pangatlo, mahirap magkaroon ng kaibigan. hindi ko nga alam kung bakit ba nauso yun. pero, kailangan naman kasi natin ng kaibigan, kung wala tayong ka-ibigan. pero, minsan kasi, mahirap din silang pakisamahan. ikaw pa ang lalabas na masama, kahit na wala ka ng ginagawa sa kanila. buti nga yun diba, wala na akong sinasabi, umo-oo na lang ako sa lahat ng gusto nila, pero ako pa rin ang masama. ako pa rin. ako..

minsan, iniisip ko na lang matatapos din ang araw. kaso, palaging nangyayari, araw-araw.

mahirap, gusto ko ng umiyak sa sobrang pagod at hirap dahil ayoko na. ayoko na talaga.

siguro, kailangan lang mag-summer..

gusto ko ng matulog ng mahimbing. gusto ko ng matulog ng komportable..

gusto ko nang lumaya.."

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.

Thursday, March 12, 2009

updates! :)

there have been so many things i want to tell you right now. sad things, good stuff, amazing events and other stuff. so i guess i should start now. haha!

-it has been a rough ride with all my school works. i was fixing reports, a documentary, quizzes, papers, and our play, plus campaigning and chorale rehearsals. so, find someone who doesn't have enough time to rest and have alone time, ME.

-of course, because i said i was campaigning, i should tell that too. i ran for vice president-internal on our society. and if i'd won, then i'll be having another dilemma balancing my time with my other endeavors in life. but then, apparently, i lost. end of political career. it was my friend and classmate who won. how good is that? there were no issues between us. we even bond after our campaign periods. i am just happy that i did not win. and i am happy too that she won.

-the play, was a complete success! though, on first thought, it was disastrous. but it wasn't. it was a group effort. an extensive group effort from every person of the class, even irregulars, who became close with us too. yeah, yeah, it was fun doing a play like "High School Musical" and playing the role of "Ryan Evans" who is supposedly gay. imagine, i was saying lines like, "maybe, we're being filmed right now, maybe we'll get to meet ashton!" in a very exciting way. i was not that kind of gay. it was cool. and to prove that i did good, i was praised by our professor for doing good. well, because i'm gay, seriously. and i'll miss everything we've done for the play. everything!

-we also did a documentary about the effects of gay in the society. it was fun. going to a comedy bar, to a parlor, and elsewhere. even though it wasn't documentary-like, it was still good, because it had efforts, of course.

-i'd still have many papers to do. i still have 6 papers to do, one complicated report to present, one SUPER long quiz to take, and of course, the final exams. and i am still lazy thinking and studying lessons. i don't actually know what to do. i really feel that i am going to fail. i hope and wish that that will not be real.

-on the brighter side of the world, it's already summer! and i am excited with my batangas trip with my neighborhood barkada, and my singapore-malaysia trip with my family. it is really exciting! wee!

-and yeah. i guess, i can still endure the infamous challenges of life.

well, i wish you a nice day! :)

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

weak.

ngayon ko lang narealize. napakahina ko pala. hindi ako marunong humarap ng problema. lagi ko na lang tinatakbuhan.

mahina ako.

kasi, wala akong lakas na pangunahan lahat ng gusto kong gawin. lagi ako ang mali. sa huli, ako palagi ang natatalo. ako lagi ang walang nagagawa. wala akong lakas na gawing totoo lahat ng iniisip ko, walang lakas na humarap sa dapat kong harapin, lagi ko na lang pinapasa sa iba. haay.

mahina ako.

kasi hindi ko kayang panindigan ang gusto ko. madali akong sumuko. kasi, pag may nagsabi na pangit o mali ang ginagawa ko, yun na kaagad ang pinapanigan ko, kasi totoo naman.

mahina ako.

mahina ako.

mahina ako.

haay. napakahina ko. yun ang totoo.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.