Friday, December 26, 2008

pink.

ang kulay pink. BOW.

sa tagalog ay rosas, na pwede ring rose. eh ang rose, ibig sabihin nun babae.

pambabae, yan ang traditional na ibig sabihin ng kulay pink. madalas kasi ng mga babae, mahilig sa kulay pink. sa mga palabas, tulad ng 'power rangers', 'bioman', 'jetman', 'fiveman' and others, pink na costume ang suot ng mga babae. sa bagay, sino ba namang lalaki ang mag-susuot ng pink? parang hindi bagay diba?

pero, sa panahon ngayon, iba na ang ibig sabihin ng kulay pink sa mundong ito.

may mga ibig sabihin na rin ang pink sa mga lalaki. pero, hindi ito tungkol sa pagiging lalaki nito, kundi sa pagiging babae nga mga lalaking ito. sa madaling salita, ang kulay pink ay para na rin sa mga bakla.

sa modernong mundong ito, lahat na ata ng bagay na tungkol sa bading ay may kulay pink. ilan sa mga halimbawa nito ay ang pink peso, na tumutukoy sa mga bading na nagtratrabaho at tumutulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya. isa rin dito ang pink christmas, kung saan dalawang lalaki ang nag-portray ng panunuluyan ni mama mary at ni hesus.

ang kulay pink. hindi lang pambabae, panglalaki na rin.

dahil naging laganap na rin ang mga bading, mas lalong kumalat ang kulay pink sa lahat ng sakop ng mga mata.

lahat na ng related sa bakla, kulay pink. ang baklese o ang gay-lingo dictionary, mga gay bars, at kung ano-ano pa. kahit ang mga blogs ng mga bading tulad ng blog ni wanda ilusyunada, na kulay pink din.

and anything gay, makes it pink.

ika ng singer na si pink, "who knew?" 

who knew that pink is also for gays?

pink just means gay, and gay just means happiness and fun.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

1 comment:

Anonymous said...

"pink just means gay, and gay just means happiness and fun."

*i love this :D, be happy ate! be happy! =)i love who you are and we'll always accept you for who you are :D