Sunday, June 15, 2008

a house and a home.

i was watching an ETC show titled "Kimora and her Life in the Fab Lane."

and the episode i watched was like finding new house in LA.

she said, "i need a more spacey house, homy house."

and from that, i thought, "a house and a home..."

lagi kong naiisip, ano ba ang pagkakaiba ng bahay sa tahanan?

ano ang importansya nila sa buhay

ang bahay, nilalaman ng bawat kailangan mo sa pang araw-araw na pamumuhay.

ang pinakaprotection mo sa bagyo at ano pa mang unos..

ang tahanan, ang pamilya.

kung wala ang tahanan, walang saysay ang bahay.

minsan tuloy naisip ko, "meron kaya akong bahay at tahanan?"

hindi ko naman sinasabing, wala akong pamilya, pero i dont feel the essence of it. yes, we do have bonding moments, we always have recreational activities that would make us happy, pero parang iba pa rin yuing feeling.

ang bahay ko. kumpleto naman sa lahat ng kailangan ko. malaki pa nga eh. typical house.

pero yung tahanan, parang wala..

hindi ko kasi masabi kung, pamilya kami..although, magkakapatid kami, at galing kami sa sinapupunan ng magulang namin..

lalo pa't ngayon, may mga problema kaming hinaharap..

hindi ko mafeel yung pagkakaisa namin bilang isang pamilya at isang tahanan.

walang saysay ang bahay kung walang tahanan, kung walang pamilya. kung kaya't pahalagahan ang bawat miyembro ng pamilya, upang magkaroon ng saysay ang mga haligi at ilaw ng tahanan.

gusto kong pagpatung-patongin ulit ang mga hollowblocks na nasira, pagkabit-kabitin ang mga bakal na nawarak, ayusin ang mga yero't kahoy na nayupi't niluma na.

gusto kong buoin muli ang tahanang dati kong kinagisnan.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.

~TAPOS~

2 comments:

Seeker Cyrus said...

korek! marami sa atin ang may bahay ngunit walang tahanan... ngunit ang mahalaga siguro ay yung pagkilos ng isang tao na paunti-unting baguhin ang kinagisnang bahay sa totong tahanan... wag mag mukmok sa isang bagay na nabibigyan naman ng solusyon ng isang pagkilos mo...kaya mo yan! wag susuko sa bawat bato ng buhay!
;)

Anonymous said...

ate, pwede mo ring isama ang mga kaibigan mo sa parte ng tahanan... hindi mo siguro nararamdaman kase yun ang iniisip mo, na siguro nga may bahay ka pero wala kang tahanan, pero kung paniniwalain mo ang sarili mo at aasa na may chance na magkaron ka nung 'tahanan' na gusto mo, mas gagaan yung pakiramdam mo at mas may chance na mangyari yun... hindi ka naman iiwan ng pamilya mo, andyan lang sila, try mo silang kausapin kung ganyan yung feeling mo, baka kase akala nila ok ka lang--- mas maganda kung masabi mo sa kanila yung nararamdaman mo para naman alam din nila yung gagawin nila. :) cheer up ate :)