Tuesday, April 28, 2009

it has been a journey!

happy first birthday gianthechronicler! :)

napatagal ko ang blog na ito, at natutuwa naman ako sa mga nagawa ko para sa blog ko.

mga masugid na mambabasa, maghintay lamang kayo sa mga susunod ko pang blog entries!

weee!

hanggang sa susunod! :)

Monday, April 20, 2009

bloc: on organizations.

groups. organizations. factions.

masaya maging part ng isang organization. magkakaroon ka ng maraming kaibigan. matututo. masasanay. at kung ano-ano pang compliment na gusto mong sabihin sa isang organisasyon.

masaya nga namang magkaroon ng isang grupo. siyempre, may karamay ka. may kasama ka, sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, sa pagiging pulubi at sa pagiging galante.

at ang pagkakaroon ng isang grupo, ay kailangan rin ng commitment sa paggawa, at cooperation sa lahat ng gagawin.

pag wala nitong mga to, mabubuwag ang grupo. end of the organization.

mahirap magkaroon ng organization. mahirap rin mamuno ng isang organization.

parang isang bansa lang yan eh.

kailangan lahat ng tao at ang namumuno ng bansa ay magkaisa sa iisang hangarin. pag hindi ito nagawa, sira lahat ng bagay na bumubuo ng ating bansa: ekonomiya, ang tao, at kung ano-ano pa.

sa totoo lang, isang organization ang ating mundo.

at ang tanong..

paano natin pagkakaisahin ang mga tao sa buong mundo? kailangan ba ng pinuno? o pagtutulong-tulong ng mga tao?

Friday, April 17, 2009

mantra: on thinking.

pag-iisip.

lahat tayo, laging may iniisip.

every moment, every hour, every minute, every second..

laging may sumasagi sa mga utak natin.

problema, pangyayari, mga dapat gawin, mga gustong gawin, mga nakikita, at kung ano-ano pa. lahat ay iniisip.

pero, minsan kahit iniisip na, hindi parin effective. ang weird no?

at may iba ring bagay na kailangan marami ang nag-iisip. brainstorming ba?

pag-iisip. dito nanggagaling lahat ng nakikita, ginagamit at ginagalawan natin ngayon.

lagi nilang naiisip, pano kaya pagandahin ang mundong ito?

samantala tayo, iniisip natin na pampadali ito ng buhay.

totoo kaya yun?

pag madali ang buhay? maganda na ang buhay?

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

frea: on women.

everytime we see girls wearing blonde-colored hair and white-faired skin..

will you be stunned? will you faint? or will you do something else that would make that girl see you?

kung ako yun, wala akong gagawin.

nakaka-aliw pag nakakita ka ng ganyan na babae dito sa Pilipinas, diba? parang tinitingala lahat ng blondes. kaya naman pati ang mga babae at binabaeng afford magpakulay ng buhok ay nagpapa-blonde na.

at kung pagpapaputi lang naman ang tanong, hindi rin naman nagpapahuli ang mga Pilipina dyan. marami-rami ring mga Pilipina ang gustong magpaputi, dahil yun ang maganda at nakakapagpa-turn on sa mga lalaki.

sa tingin ko naman, hindi naman na kailangan magpaganda ng isang babae. para sa akin, maganda sila sa itsura nila. nagkataon lang na pwede nilang baguhin ang mga itsura sa pamamagitan ng makabagong paraan ng pagpapaganda, na madali na lang ring makuha ngayon.

haay. hindi ko rin alam kung bakit ang pagiging blonde at maputi ang pinakamaganda itsura para sa mga babae?

hindi ba sila proud sa mga itsura nila?

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

ONE QUICK POST.

dahil 10 minutes lang to, mabilisan lang ito. :)

ako ay nasa abroad.

at masaya ako. HAHA.

currently nakatambay sa singapore.

yun lang. salamat.