Thursday, December 9, 2010

Tuesday, December 7, 2010

updates.

well. ngayon lang ulit ako nakapag-post. and honestly, ngayon lang ako ginanahan gumawa ulit.

sobrang busy kasi ako sa maraming bagay. sa choir, sa school, sa aking sarili.

minsan, tinatamad ako mismong pumunta sa mismong account kong to, at ang accounts ko lang sa facebook, twitter, tumblr, at plurk ang nache-check. eh minsan lang rin naman ako makapag-isip ng pwede ilagay dito. so ayun.

hmm. sobrang lamig ngayon dito sa lib. oo. sa school library. o diba? ang sama ko bang estudyante at hindi ako nag-aaral? not so. haha. galing pa kasi akong national library kanina, nag-research ng mga articles para sa thesis. eh, dapat pati mga libro na rin, mga tipong lubos-lubosan na araw sa national lib. pero hindi. natamad kami, at nagpa-photocopy na lang ng mga dyaryo na kailangan namin. tapos, hati-hating basa, tapos pagsasamahin nalang. what is tamad. nakakatamad din kasi sa national lib. sobrang init, sobrang dilim pa, ang luma pa ng dating. hindi masyadong nakakaengganyo. pero pumunta kami ng dalawang beses. hindi naman dahil gusto namin, kasi kailangan. anyway.

last sem na ng aking college, at huling sem para sa aking pag-aaral. matatapos na rin akong mag-aral. pero nakakamiss din to. mamimiss ko mga kaklase ko, mga guro ko, mga hand-outs, mga libro, lahat ng mga ginawa namin sa school, mapa-educational, emotional, physical, sexual (WHAT?), and other stuff, mamimiss ko yun. kailangan ko na nga lang patunayan na gusto kong grumaduate. kailangan kong matapos ang thesis ko. sana nga, matapos ko. sa ngayon, medyo alanganin pa. wooh. cramming powers, don't you ever fail on me. kailangan kita forever and ever. AMEN.

ang lamig. giniginaw na talaga ako. hoo.

nafififeel ko na rin ang pagiging presidente ng choir namin. grabe. ang dami ko na rin naiisip, pero may mga mali pa rin akong ginagawa, nagawa, at magagawa siguro. hoo. after nitong term ko, matatapos na ang lahat, magiging normal na member nalang ulit ako. inaasam ko na ang panahong iyon. HO.

ano pa ba? wala nakong maisip. hanggang dun nalang muna. lalala.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Friday, November 19, 2010

pen pal.

my chinese penpal that i met in omegle last year...

JUST REPLIED TO MY E-MAIL LAST SUNDAY.

and i just read it now. how loser of me.

i just replied again. hoping she could reply back.

got excited too much. she's my first penpal ever.

ERRR. lol.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Friday, November 12, 2010

untitled.

ginawa ko to kagabi, actually kaninang madaling araw. sa FB note (which i did for the first time..) hindi ko alam kung paano ko to nagawa. basta, mahaba siya. lol. yeah. anyway. i haven't thought of any title for this, kaya untitled. lol.

here it goes..

-------------------

nag-iisip. nakatunganga. nag-iisip ulit. nakatunganga na naman.

1:07 na ng umaga. hindi pa rin inaantok. ayaw pang tumayo mula sa kinauupuan. ayaw pang ipikit ang mga mata at ayaw pang umalis sa internet, sumo-social networking.

nag-iisip ulit. nakatunganga. ano ba ang mga dapat gawin? ah! thesis. kailangan nang ayusin ang thesis. oo, thesis. kailangan ko nang sabihan mga kasama ko. hm, sana mag-reply na si Sir, kailangan na naming maayos ang thesis. haay.

huminto. nag-iisip ulit. tumingin sa paligid. si kuya ay nagco-computer din, si bunso ay nanonood ng "Hell's Kitchen."

tumingin sa table. mga DVD's na bagong bili mula sa Divisoria. mga bagong labas na palabas sa sinehan, at mga luma rin. mga "anime shows" at "series" din na bagong bili. mga papel. mga balot ng pagkain. mga gamit na toothpick, baso, 2 cellphones, class picture, at mga bagong biling damit. hindi pa naiiligpit. hindi pa naaayos.

magulo. magulo ang buhay. huminto ulit. minsan ayaw nalang ayusin ang gulong yun para lang malaman mo na meron ka pa palang buhay na kailangang ayusin. mas okay minsan na magulo. nalalaman mo na may aayusin ka pa. wala ka mang aayusin, may iba pa namang gulong pwedeng ayusin.

nag-isip pa. tumungo. nag-isip pa muli. nararamdaman na ang sakit ng ulo, pero hindi pa rin inaantok.

ramdam na ang lagkit ng balat, habang nakapatong ang kanyang baba sa tuhod nitong nakataas sa upuan. hinihintay matapos ang bina-buffer na video sa susunod na tab sa kanyang browser.

hintay. palagi nalang naghihintay. maghihintay sa meron. maghihintay sa wala. maghihintay ka, kasi gusto mong malaman kung ano bang meron, o wala. maghihintay ka, kahit hindi ka sigurado. maghihintay ka, para lang makita. pag meron, masaya. matutuwa ka. may nakita ka. pag naghintay ka sa wala, malulungkot ka. wala kang napala. wala kang nakita. pero. bakit walang natutuwa sa paghihintay?

1:20 na ng umaga. nakapatong ang headset sa kanyang ulo, kahit na wala naman talagang pinapakinggan.

nag-iisip. pokemon. shaman king. california maki. french fries. mga larawan. mga magagandang tao. mga malulupit na bagay. mga salita. pag-iisip.

mga bagay na nagpapasaya. mga bagay na masayang isipin, tingnan, kainin, at gawin. ngunit hindi yun sapat. kasi, mawawala rin naman sila. mauubos. matatapos. mawawala. kukupas. kaya sinusulit ang bawat pagkakataon pag meron pa. hangga't hindi pa sila nawawala, pasisiyahin nila ako..

bakit ba? ano bang meron? malungkot ba ako? ano?

hindi alam. nag-iisip. kamot. hinto. isip ulit. at kamot ulit. at hinto ulit.

tanging ilaw nalang sa kwarto ang bukas. nag-iisip pa rin.

ano bang kailangan isipin?

bakit. bakit kailangan isipin?

bakit kailangan maging magulo ang buhay? bakit kahit inaayos mo ito, gumugulo pa rin?

bakit kailangan maghintay? ng matagal? ng mabilis? anong dapat hintayin?

bakit kailangan maging masaya? anong nagpapasaya? paano maging masaya?

nagiging walang kwenta na ata to.

huminto.

tumungo.

napaisip ulit...

ewan ko.

gugulo pa ba?

maghihintay pa ba?

masaya ba ako?

...

Saturday, October 30, 2010

PARANOIA.

my newest best friend. :D

well, sobrang bilis kasi akong malungkot sa mga bagay-bagay. HAAY.

well yeah. gusto kong pahabain ang entry na ito, pero di ko magawa.

kasi, puro PARANOIA lang naman ang masasabi ko rito, might not be healthy, lalo lang akong mapaparanoid.

SO YEAH. haay. paranoia. i am loving you. :)

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)