Thursday, April 22, 2010

low-self esteem, low self-confidence, lahat na. :|

sa lahat ng ginagawa ko, sa lahat ng sinasalihan ko, at sa kahit ano pa mang aspeto ng buhay, lagi kong iniisip na pangit ang ginagawa ko, mali ako, wala akong nagawang matino. yep. call it paranoid, loser, low self esteem, low self-confidence, walang tiwala sa sarili. ako yun.

mabilis ako mawalan ng lakas ng loob. sumusuko kaagad ako. pag may nagsabi na sakin na mali, or whatever, wala na. mali na tingin ko sa lahat. minsan, pinangungunahan ko pa. "hindi, hindi ako papasa." "hindi, pangit kaya ginawa ko.." at minsan, yun naman na ang totoo.

always expect for the worst. always see the negative side of what you're doing. hindi rin naman i-down ang sarili mo, para maging okay ka rin sa kalalabasan. kahit anong mangyari. wala kang pagsisisihan. hindi ka masasaktan.

ako na. ako na ang hindi malakas. salamat.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Friday, April 16, 2010

UPDATES!


uhm, naisip ko, parang ang tagal ko nang hindi nakapag-update. at hindi ko na rin maalala kung kailan pa yun. haha.

so, i'll just say somethings that i think you still don't know. :D

first of all, i'm missing my blockmates. it's because it's already our summer break! some of my blockmates chose to spend their time on OJT's, which is really productive. some took nihonggo classes. and i want to have some classes to. driving, photography, and french. but, i don't have money, so baka after college nalang.

and if my blockmates have OJT's, i have work. yep, work with wage. i just need to complete my 8 hour-worktime assisting my mother with her research programming work. mahirap siya, in fairness, pero kakayanin. i'd have 400 pesos per 8 hours. so kung 24 hours akong nag-work, or isang buong araw, may 1,200 nako! bigla akong naexcite!

and yes, since the classes is already done, inabangan rin namin ang aming mga grades. ang mga site ng UST na grabe kung mag-paasa. grabe kung makapag-announce, hindi naman pala lalabas sa araw na yun. nevertheless, lumabas pa rin ang mga grades. sobrang natuwa ako kasi wala ulit akong bagsak this sem! lahat ata ng pinagpuyatan at pinag-cramming-an ko eh nagbunga. higit sa lahat, my semestral average was able to reach the required for being in the Dean's List. YIE. DL for the first time! sarap sa pakiramdam. sarap sa puso. sarap sa utak.

and dahil, nag-DL ako, sobrang nagdiwang ang aking mga magulang. kung kaya naman i was able to persuade them to buy me a new Bob Ong book, and i persuaded my mother to buy her digital camera, which we will share. SO, ang saya nga gabing yun. nabasa ko na ang Alamat ng Gubat, and enjoying Olympus SP800UZ digicam, na para na ring DLSR sa features.

choir officer duties are still pre-occupying my timetable too (feeling organized eh). asikasuhin ang choir outing, gumawa ng ganito't ganyan para sa mga gig, ayusin ang transpo, makipag-meeting. chever-chever, chever-chever. grabe, hindi naman sa ayoko nang maging officer, pero parang hindi talaga ako destined maging officer. ewan ko. sana maging okay pa yung service ko para sa choir. sana makabawi pako't hindi na mapagalitan.

kailangan ko na rin pala maging maayos kausap. grabe, nagalit nanay ko sakin kanina, dahil sa sobrang "kaibigan" type kong makipag-usap. parang casual lang. ayun. kailangan ko na ulit ibalik ang "po" at "opo" ko. wooh. yea yea, parang ang sama ko tuloy na anak. magpapakabuti na po.

and now! since pasulpot-sulpot lang rin ang trabaho, wala ng mabasang libro, at wala narin akong ma-type, bum lang ako sa bahay at laging nag-iinternet. sumakit na nga ang ulo ko dahil sa babad ko sa internet. kailangan ko na nga atang bawas-bawasan magbabad. masama rin naman kasi.

and so, that ends my updates, i guess. haha.

i-enjoy niyo ang inyong bakasyon, mga mambabasa!

hanggang sa muli! :)

Sunday, March 7, 2010

knock knock!

WHO'S THERE!?

ako to, papasukin mo naman ako! HAHA.

akala niyo, knock knock joke no?

gusto ko sana, kaso sa tatlong listahan na nagawa ko hindi ko alam kung anong pwedeng ilagay. napaisip nga ako. nakakarinig lang ako ng mga knock-knock jokes sa Eat Bulaga, sa pamamagitan ng "Bulagaan" segment nila. tapos, yung ibang pauso.

pero, pagpasok ata ng 2010 eh, ang mga knock-knock jokes ang unang pumatok sa mga pandinig ng mga tao, lalo na ng mga bata. mas lalo na ng mga estudyante ng UST, which includes me. dinaig pa yung mga current, sikat, pop, at foreign songs.

at bumenta talaga siya ng bongga. kahit ako, nabenta sakin.

ngayon nga lang, eh hindi na rin siya patok, dahil paulit-ulit na ang ibang jokes.

well, yun ang unang sumikat ng 2010.at masaya naman siya. haha.

to end this blog, KNOCK-KNOCK
who's there!?
*sniff sniff*
*sniff sniff* who?

na ika'y hanapin, *sniff sniff* at sabihin, ipakilala sa iyoooo. HAHAHA!

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Saturday, March 6, 2010

eye bags.

how do get puffy eye bags? :))

1. sleep late. very common notion on having eye bags. (but i do the advanced ones. lol)

2. cry hard, then sleep. really really effective. very much.

3. watch TV.

4. stay in front of the computer at late nights, it will leave your eyes hurting.

5. my thing - procrastinate, cram, and whatever term you may call it.

ho yes. an expert crammer here. proof? i researched for my thesis proposal infos for four days? then crammed the paper the night before the deadline. oh yes, for the night before the deadline. actually, cramming has already been part of my psyche. i really can't feel the productivity when i begin school and other stuff really really early. so, to spend (or waste) more time with my hobbies (or distractions), i do my school stuff later. haha. yes, i have priority issues. despite that, i can still manage, and still pass subjects. genius? not so. geek, in a way. procastinator? oh yes, i am, a true blue, and a proud one.

and yes, i am very proud of my puffy cutesy eye bags. siyempre, pinaghirapan ko sila eh!

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Monday, March 1, 2010

it's just me, the moon, and the stars.

mas nakakapagmuni-muni ako tuwing gabi. mas tahimik kasi. mas nakaka-kalma sa pakiramdam ang malamig na hangin, ang tila madilim na paligid, ang maingay na katahimikan, mga umaaligid na pusa't aso, and other elements that make up an ordinary evening environment.

what's even great is, it's just me, the moon and the stars. napapatingin nalang ako sa langit sa sobrang ganda ng mga ningning ng mga bituin, at kagandahan ng buwan, habang dumaragdag pa sa ganda nito ang maninipis na ulap sa paligid ng buwan.

oh yes. a perfect environment for me to get emo. uh-huh. emo. eh, ang masama nga lang sakin eh, napapa-emo rin ako dahil sa emo na enviroment. haha.

since nag-college ako, lagi ko na lang tinitingala sa langit ang mga naiisip kong problema. pamparelease ba ng stress. and it has been effective, until makapasok ako ng bahay. kaya minsan, before anything else, lumalabas muna ako tuwing gabi. kahit sa tapat lang ng bahay. titingnan lang ang langit sa gabi, para lang marelax ako.


ngayong summer, magkakaroon ako ng time na makita ang buwan, ang mga ulap at ang mga bituin ng mas madalas, kahit na hindi na ako masyadong stressed ngayon, mas masaya.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)