Saturday, March 6, 2010

eye bags.

how do get puffy eye bags? :))

1. sleep late. very common notion on having eye bags. (but i do the advanced ones. lol)

2. cry hard, then sleep. really really effective. very much.

3. watch TV.

4. stay in front of the computer at late nights, it will leave your eyes hurting.

5. my thing - procrastinate, cram, and whatever term you may call it.

ho yes. an expert crammer here. proof? i researched for my thesis proposal infos for four days? then crammed the paper the night before the deadline. oh yes, for the night before the deadline. actually, cramming has already been part of my psyche. i really can't feel the productivity when i begin school and other stuff really really early. so, to spend (or waste) more time with my hobbies (or distractions), i do my school stuff later. haha. yes, i have priority issues. despite that, i can still manage, and still pass subjects. genius? not so. geek, in a way. procastinator? oh yes, i am, a true blue, and a proud one.

and yes, i am very proud of my puffy cutesy eye bags. siyempre, pinaghirapan ko sila eh!

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Monday, March 1, 2010

it's just me, the moon, and the stars.

mas nakakapagmuni-muni ako tuwing gabi. mas tahimik kasi. mas nakaka-kalma sa pakiramdam ang malamig na hangin, ang tila madilim na paligid, ang maingay na katahimikan, mga umaaligid na pusa't aso, and other elements that make up an ordinary evening environment.

what's even great is, it's just me, the moon and the stars. napapatingin nalang ako sa langit sa sobrang ganda ng mga ningning ng mga bituin, at kagandahan ng buwan, habang dumaragdag pa sa ganda nito ang maninipis na ulap sa paligid ng buwan.

oh yes. a perfect environment for me to get emo. uh-huh. emo. eh, ang masama nga lang sakin eh, napapa-emo rin ako dahil sa emo na enviroment. haha.

since nag-college ako, lagi ko na lang tinitingala sa langit ang mga naiisip kong problema. pamparelease ba ng stress. and it has been effective, until makapasok ako ng bahay. kaya minsan, before anything else, lumalabas muna ako tuwing gabi. kahit sa tapat lang ng bahay. titingnan lang ang langit sa gabi, para lang marelax ako.


ngayong summer, magkakaroon ako ng time na makita ang buwan, ang mga ulap at ang mga bituin ng mas madalas, kahit na hindi na ako masyadong stressed ngayon, mas masaya.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Sunday, February 21, 2010

cellphone.

lol. master loser ng mga cellphone.

yan ang bansag ko sa sarili ko ngayon. grabe. nakailang wala na ako ng phone.

yung una, first year HS ako. grabe. kay bongga. unang colored phone. ako pa unang nagkaroon sa pamilya. ang dami kong nakatext dun. smart pa una kong number. haha. ang dami kong naka-text dun. sobrang feeling sosyal ako. regalo kasi yun dahil sa maganda daw grades ko. tapos niwala ko sa court namin. ang ganda. ang ganda lang.

pangalawang phone, another colored phone, ngayon naman may camera na. isang phone ng motorolla. 4th year HS ako nun. bongga ang phone ko. ang dami pang napuntahan. recollection, em-ed/field-trip. ang dami pang pictures, tapos hindi ko rin naman pala malilipat sa computer. nawala ko rin, sa jeep naman. aw.

pangatlong phone, balik nokia phone. hindi lang may camera, hindi lang may mp3 player, pwede pang mag-video, at sliding phone pa! pocha. that was my phone for the first week of the second semester nung 2nd year ako. grabe. 2 months lang tumagal sakin, sa school ko pa nawala. hindi ko nga siya iniyakan nung nawala. haha. oh well.

pang-apat. parang intermussion lang, ilang weeks lang sakin. hindi pa sakin. isang 3310 na kulay pink. haha. at kailan siya nawala? araw ng paskuhan. gash.

and last phone that i just lost, is my beloved N-gage. my phone since first year college, at kakawala ko lang sa kanya. napakaganda. haay.

OH WELL. kailangan ko nang ayusin ang buhay ko. wooh.
must not lose phones, no more! NO MORE.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

epal things.

since i was a child, meron na akong mga laruan na hindi pangkaraniwan sa ibang bata. hindi mga robot, mga manika, ni kahit nga sasakyan or kung ano mang mga laruan na maituturing ang hindi ko nilalaro.

ang mga laruan ko? mga maliliit na piraso mula sa mga buong mga laruan. mga ibang gamit tulad ng shampoo, mga key chain, basta kahit anong maliit, manipis o kaya naman kahit anong piraso na galing sa isang bagay, instant laruan ko na siya.

sobrang weird ko nun, kasi naman, maliban sa pagiging laruan ko, eh parang mga paraphernalia ko na rin sila tuwing lumalabas ako ng bahay. kahit hindi ko naman lalaruin (dahil alam ko magmumukha akong weird) ay dinadala ko pa rin tong mga to. hanggang sa malaman ng mga kaibigan ko na may mga ganito akong dala sa isang maliit na pouch, na minsan ay nilagay ko na rin sa isang pokeball. oo, meron akong pokeball noon. haha.

mukha mang weird, pero mukha naman silang natuwa sa mga "laruan" kong iyon, tapos, tinawag nilang "epal things." epal dahil hindi ko naman nilalaro, wala namang sense kung bakit ko sila dinadala, at things, dahil bagay sila. mga kakaibang bagay.

ngayon, sobrang mulat na ang aking mga mata sa mga ka-weird-ohan ko ng bata ako. at kahit na ganon, meron parin akong mga epal things. hindi ko na nga lang nilalaro.

hindi ko alam kung matatawag ko ba itong koleksyon, pero sa ngayon, kinokolekta ko lang ang mga bagay na cute sa aking panigin. yung mga tipong, once in a life time ko lang makikita. joke, pero pumupulot pa rin ako ng mga ganung bagay. at natutuwa rin naman ako. naging mga lucky charms ko na sila eh. dala ko ba naman palagi eh.

tsaka, naging parte na siguro ng "psyche" ko ang pumulot ng mga maliliit na bagay. just a proof na mahilig talaga ako sa cute. lol.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Thursday, February 18, 2010

busy brain.

lol. malay ko ba, gusto kong mag-update.

nag-iisip ako ng pwedeng i-blog..

sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na alam kung anong ilalagay ko. hahaha.

naguguluhan ang aking utak.

tapos, iniisip ko pa yung mga dapat kong gawin para bukas.

pinagsabay eh no. hahaha.

anyway, pag umayos na ang haggard kong schedule (bwahaha, ang bobo ko talaga sa time-management), sana maayos na rin ang utak ko. haha.

sa ngayon, ganito nalang muna ka random. hihi.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)