Saturday, December 5, 2009

pieces.

mga piraso ng isa pang bagay na malaki.

mga piraso na napupulot kulang sa bahay. mga napupulot ko lang sa school, o kahit sa kalsada lang.

mga piraso na bumubuo sa mga alaala ng araw na iyon.

kaya pag may nangyari nung araw na yun na sobrang naging importante sakin, sinusubukan kong makahanap ng kahit isang piraso lang na iyon na mag-papaalala sakin ng pangyayaring yun.

eto lang ang natatangi kong koleksyon. mga piraso mula sa iba't ibang lugar na aking pinagdadaanan. mga palatandaan ng mga pangyayari sa buhay. may sentimental value ba, may experiencial value, kung may ganun mang word. hahaha.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

20.

20 years old. wooh.

kamusta nga naman ang pagiging matanda?

okay lang. marami nang privileges. pwede nang mag-puyat ng onti. lumakwatsa ng onti.

pero, siyempre, more responsibilities to do. haaay.

pero, mas masaya, sa tingin ko.

kasi matanda na ako. (ang labo) haha.

and yeah, mas authoritative na rin ako. haha.

oh well, debut ko na next year. gaaaaaaah.

isip bata parin ako. at sana ay tumanda na ng onti ang pag-iisip ko. please lang. lol.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

yellow.

"look at the stars, they only shine for you, and all the things that you do..and it was all yellow.."

weeeeeeeeeeee. how cheesy.

eto na ata ang bagong term na kumakalat sa madlang people. cheesy. mushy.

kahit sa pizza, "sobrang cheesy" na rin ng mga patalastas, ayiiie.

parang corny lang rin. corny and cheesy. parehang color yellow. hahahaha!

oh well. random lang.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

fries! isaw! siomai! :)

fries! isaw! siomai!

hindi naman sa paborito ko sila masyado, pero medyo ganun na rin yun. haha.

eto ang mga matatawag kong "bonggang meryenda" bukod sa masarap sila kainin, eh parang pang-kalma ko na rin ng tiyan...este ng kalooban ko.

ewan ko, i feel at peace when i eat, ang pinapakialaman ko lang eh ang sarili ko. hindi nga ako nakikipag-usap pag kumakain minsan, lalo na pag feel na feel kong kumain, deadma ako sa lahat ng bagay.

and yes, way ko na in to para magpataba. kumain ng fries, isaw at siomai para sa calories. wooh!

kung meron lang kami nito, baka lagi ko tong kinakain pag nagpupuyat.

at lalo na pag stress ako, gagastos ako para makakain ng mga to.

weeeeeeeeee. ang sarap kumain. mmmmmm-hmmm. :)

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

merry christmas!

lumalamig na ang simoy ng hangin.

umuuso na ang christmas lights at mga parol sa paligid.

foggy na rin ang kapaligiran, at lipana na ang mga magagandang alitaptap sa malamig na gabi.

at siyempre, oras na rin para sa mga kris-kringle, exchange gifts at party-party!

weeeee. kahit na maraming nangyaring hindi nakakatuwa ngayong taong ito..

umaasa pa rin ako sa isang masayang pasko!

maligayang pasko sa iyo, at sa mga mahal mo sa buhay!

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)