Friday, April 17, 2009

mantra: on thinking.

pag-iisip.

lahat tayo, laging may iniisip.

every moment, every hour, every minute, every second..

laging may sumasagi sa mga utak natin.

problema, pangyayari, mga dapat gawin, mga gustong gawin, mga nakikita, at kung ano-ano pa. lahat ay iniisip.

pero, minsan kahit iniisip na, hindi parin effective. ang weird no?

at may iba ring bagay na kailangan marami ang nag-iisip. brainstorming ba?

pag-iisip. dito nanggagaling lahat ng nakikita, ginagamit at ginagalawan natin ngayon.

lagi nilang naiisip, pano kaya pagandahin ang mundong ito?

samantala tayo, iniisip natin na pampadali ito ng buhay.

totoo kaya yun?

pag madali ang buhay? maganda na ang buhay?

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

frea: on women.

everytime we see girls wearing blonde-colored hair and white-faired skin..

will you be stunned? will you faint? or will you do something else that would make that girl see you?

kung ako yun, wala akong gagawin.

nakaka-aliw pag nakakita ka ng ganyan na babae dito sa Pilipinas, diba? parang tinitingala lahat ng blondes. kaya naman pati ang mga babae at binabaeng afford magpakulay ng buhok ay nagpapa-blonde na.

at kung pagpapaputi lang naman ang tanong, hindi rin naman nagpapahuli ang mga Pilipina dyan. marami-rami ring mga Pilipina ang gustong magpaputi, dahil yun ang maganda at nakakapagpa-turn on sa mga lalaki.

sa tingin ko naman, hindi naman na kailangan magpaganda ng isang babae. para sa akin, maganda sila sa itsura nila. nagkataon lang na pwede nilang baguhin ang mga itsura sa pamamagitan ng makabagong paraan ng pagpapaganda, na madali na lang ring makuha ngayon.

haay. hindi ko rin alam kung bakit ang pagiging blonde at maputi ang pinakamaganda itsura para sa mga babae?

hindi ba sila proud sa mga itsura nila?

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

ONE QUICK POST.

dahil 10 minutes lang to, mabilisan lang ito. :)

ako ay nasa abroad.

at masaya ako. HAHA.

currently nakatambay sa singapore.

yun lang. salamat.

Wednesday, April 8, 2009

mcdonald's

what if our world is like mcdonald's?

makukuha mo kaagad yung gusto mo, mabilis mo itong mauubos, at mabilis mo ulit tong makukuha.

pero, limited lang yun, at may pagkakataong hindi mo makukuha yung gusto mo, at kailangan mo ulit maghintay ng bukas para makuha mo ulit ang gusto mo..

mabilis ang development ng kahit ano, at mabilis rin itong bababa. pag bumababa ito, tataas ulit, at bababa, at tataas..

magiging pandalian lang ang satisfaction natin sa mga bagay-bagay. gusto natin ng ganito, mamaya, iba naman, tapos iba ulit..

ang catch, paulit-ulit lang yun sa siklo. paulit-ulit..

ano kayang mangyayari sa mundo natin? magiging masaya kaya? magiging maunlad kaya ang buhay?

magiging effective kaya ang ganung sistema sa atin?

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

mascot.

minsan ba, naisip mong maging mascot?

magsusuot ka ng mabigat at mainit sa costume. magpapakita sa mga birthday parties, basketball games, and other events na kailangan ng mascot. magpapasaya ng mga taong kailangan ng saya.

pero, paano naman ang tao sa loob ng mainit at mabigat na costume?

minsan ba, naisip mong madali lang maging mascot? sa tingin ko, hindi.

mahirap maging mascot. mabigat man at mainit ang costume, kailangan mo paring magpasaya ng mga tao. kailangan magmukha kang masaya. kailangan mong maging galawgaw at maging energetic, kahit sa totoo lang, hirap na hirap ka na.

parang buhay lang yun, diba?

mahirap magsurvive sa mundong ito. maraming dapat daanan, maraming dapat bunuin na bigas. pero, kahit papaano, dapat magmukha ka paring matatag sa hirap man o ginhawa.

nakaka-elibs ang mga mascot diba?

sanay sa hirap at saya.

eh, ang ibang tao kaya?

mahirap man ang buhay, kailangan parin nating maging masaya. kailangan ituloy ang gulong ng buhay.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)