Sunday, January 4, 2009

new year, new commencements.

this has been a late post. i was not able to gather artistic and creative conscience to do this, and maybe, NOW is the right time to do this.

the first week of January is already coming to an end, and i want to remember the things that had had happened for the past year, and i will be enumerating it now..

i am now at my second year of being a college student. na-realize ko naman kung gaano kahirap ang college para sa lahat ng batang katulad ko. at, dahil isa pa ito sa mga magandang pamantasan sa ating bansa, talagang kailangan mag-aral ng mabuti. isipin mo pa lang, papunta pa lang sa school, ang layo na! pero, sa isang taon, natiis ko iyon, at ngayon, parang wala na lang sakin. after ko lumagpas sa school dahil sa nakatulog ako, gabihin sa school, ma-stranded sa school dahil sa baha, manood ng paskuhan, maging kasapi sa isang organisasyon, mangboycott ng klase, manalo sa isang contest at kung anu-ano pa, hindi pa naman ako nagsasawang maging estudyante.

nakasama kong kumanta ang philharmonic orchestra at makakanta sa CCP. isang napakasayang experience. twas a day of art and singing. i really enjoyed it, singing with various artists and in front of the audience. napakaganda talaga nun, unforgettable.

the past year was also the time that i got this blog. and yeah, until, na uupdate ko pa naman siya. at sa awa ng Diyos eh, maayos pa naman siya at wala lang. naka-ilang palit rin to ng layout, ilang palit sa pangalan. lang beses na rin akong nag-iisip ng pwedeng itype sa blog nato. at ngayon, masasabi kong, maganda naman ang kinalabasan nito.

of course, i also aged for one year. boohoo, one year to go, adult nako.

well, gusto ko sanang magpost ng new year's resolution. kaso, hindi ko naman kaya gawin yun. kaya, naisip ko na i would promise to stop things, but to restrict things. besides, patience is a virtue, dahan-dahan lang.

and soo, my first resolution, be more organized. i want to fix my time, my things, my money, and everything in my life. mas maganda naman kasi na mas organized ka, wala kang inaalala, kasi maayos lahat, fixed ba. dahil dyan, gusto ko ng bumili ng planner, kahit anong planner, basta maging guide ko lang.

second resolution, konting tigil sa mga bisyo, which is drinking beer, and smoking. yup, i smoke, kailangan ko lang i-restrict muna. occassionally lang naman ako umiinom, so i guess i just need to control my urges on the cigarettes.

third resolution, more blog entries! haay, pampalabas to ng stress, kaya kailangan mas maupdate ko pa to ng madalas.

so ayun. have a happy 2009 everybody! :D

great things begin with small beginnings, but then again, it will not be great without any use of hardwork and discipline.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Sunday, December 28, 2008

bakit?

bakit kaya pag meron kang pera, hindi mo mapigilan ang sarili mong gumastos, kahit na gusto mong magtipid?


bakit kaya sinasabi nilang ang hirap ng sitwasyon natin, eh yung mga tricycle driver, mas malupit pa sa mga taong tulad ko dahil sa magaganda nilang cellphone at ipod?


bakit kaya nagkaroon pa ng mga mamahaling jacket at damit, kung pare-pareha lang naman silang galing sa tela?


bakit naging boring na gawain ang pagbasa at pagsulat, eh sa paggawa nito, marami kang matutunan, marami kang malalaman? paano naman kaya yun naging boring?


bakit kaya hindi na lang ilegalize ang piracy, eh halos lahat naman ng tao ay tumatangkilik rito?


bakit kaya maraming gusto mag-aral sa UP, eh kung wala naman sa eskwelahan ang pag-aral kundi na sa attitude ng estudyante tungo sa pag-aaral


bakit kaya naimbento pa ang phone kung para na lamang ito sa pagpapayabang?

bakit kaya lahat ng tumatambay sa starbucks ay nag-iisip na mayaman sila?

bakit kaya nagkaroon pa ng modernization kung ayaw rin naman nating iwan ang mga tradisyonal nating ginagawa?

bakit kaya mas gusto ng iba ang kondisyon ng ating kalangitan kahit na mayroong global warming?

bakit kaya kailangan pang pilitin gumaling ang may sakit kung kailangan rin naman nating mamatay?

bakit ko nga ba tinatanong ang mga bagay na ito, kung kahit ibang tao hindi rin alam kung bakit ganun?

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Friday, December 26, 2008

pink.

ang kulay pink. BOW.

sa tagalog ay rosas, na pwede ring rose. eh ang rose, ibig sabihin nun babae.

pambabae, yan ang traditional na ibig sabihin ng kulay pink. madalas kasi ng mga babae, mahilig sa kulay pink. sa mga palabas, tulad ng 'power rangers', 'bioman', 'jetman', 'fiveman' and others, pink na costume ang suot ng mga babae. sa bagay, sino ba namang lalaki ang mag-susuot ng pink? parang hindi bagay diba?

pero, sa panahon ngayon, iba na ang ibig sabihin ng kulay pink sa mundong ito.

may mga ibig sabihin na rin ang pink sa mga lalaki. pero, hindi ito tungkol sa pagiging lalaki nito, kundi sa pagiging babae nga mga lalaking ito. sa madaling salita, ang kulay pink ay para na rin sa mga bakla.

sa modernong mundong ito, lahat na ata ng bagay na tungkol sa bading ay may kulay pink. ilan sa mga halimbawa nito ay ang pink peso, na tumutukoy sa mga bading na nagtratrabaho at tumutulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya. isa rin dito ang pink christmas, kung saan dalawang lalaki ang nag-portray ng panunuluyan ni mama mary at ni hesus.

ang kulay pink. hindi lang pambabae, panglalaki na rin.

dahil naging laganap na rin ang mga bading, mas lalong kumalat ang kulay pink sa lahat ng sakop ng mga mata.

lahat na ng related sa bakla, kulay pink. ang baklese o ang gay-lingo dictionary, mga gay bars, at kung ano-ano pa. kahit ang mga blogs ng mga bading tulad ng blog ni wanda ilusyunada, na kulay pink din.

and anything gay, makes it pink.

ika ng singer na si pink, "who knew?" 

who knew that pink is also for gays?

pink just means gay, and gay just means happiness and fun.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Thursday, December 18, 2008

Merry Christmas?

hello christmas! malamig na ang simoy ng hangin, nagkalat na ang christmas lights at mga parol sa paligid. mabilis na ring dumidilim, mga naglilipanang alitaptap, ang simbang-gabi at kung anu-ano pa..

but, will this be a merry christmas? dahil na rin sa kahirapan ngayon?

mahirap ng mamimili ngayon eh, wala nang masyadong pera, tag-tipid pa, hindi pwedeng bumili ng mga mamahaling regalo, kahit pa sa paghahanda ng pagkain para sa noche buena ay mahirap rin, kailangan, kahit mura, magarbo o masarap pa rin ang kakainin..

isa pang panira ng christmas, school works. i have a paper and a documentary to do for my scl3, a clip-out for my RC course, memorize my speech for my oral comm, a quiz for scl3, and last but not the least, study for the preliminary examinations. how great is that? i guess that would keep me from being bored, and from havng fun..

sa sobrang hirap na rin ng buhay ngayon, hindi ko ma-feel yung atmosphere ng christmas. walang nangangaroling, walang nagbebenta ng bibingka at puto bumbong, wala masyadong tiangge, at hindi nakakapagchristmas shopping. grabe, this might be the loneliest christmas ever..

oh well, ang tanging paraan dyan, live life to the fullest! matuwa na tayo sa mga nagagawa natin, dahil balang araw, hindi na natin ito magagawa ulit!

"Christmas is not only the season of receiving gifts and presents, it is also a season of giving love and sharing life to others."

have a merry christmas everybody!

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)

Friday, December 12, 2008

updates! :)

i have been very busy this week. YEAH. too busy. too many things to do. no more time to blog.

and so, as i am wasting my time before studying, i decided to make an update entry.

first of all, i have been drowned with a lot of school work. i am doing some papers to be passed next meeting, and next year, which is a about a museum and a social issue. i am also drownedwith hand-outs to be read about our national hero, the west asia, the science of life, and the philosophy of man. i also need to understand statistical formulas and data, and memorize a speech and do a musical play-production. oh, i even forgot that i also need to do a lesson plan for my teaching session. so, how about that? i can not have so much time to do these things. i need more time! MORE TIME PLEASE. nevertheless, i am still enjoying.

secondly, it's christmas! christmas break is coming fast! woohoo!

thirdly, i have been an active member of the Chorus of Arts and Letters, which will be competing for Himig Tomasino on January. this season will be a very tough fight because there are many choral groups who decided to join the inter-collegiate choral competition. good luck naman!

fourthly, i can't think of anything to tell. maybe because, it's already past 1:30am. WOW. i am into sleep deprivation, as we speak. and i know this is really bad for my body conditions. oh well..

"why do bad things have to be the ones which causes more happy experiences for us?"

hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)